Tuesday, December 7, 2010

Showbiz Scandal: Angelica Panganiban, Isang Ampon!

Kahapon sa The Buzz ay madamdaming ipinahayag ni Angelica Panganiban na isa pala siyang ampon ng mga kinagisnang magulang. No wonder at hindi sila magkamukha ng nanay niya!



Nakilala na rin ni Angelica Panganiban ang tunay niyang mga magulang. Sa kanyang exclusive interview sa The Buzz kahapon, eksplosibo ang pag-uusap nila ni Boy Abunda kahapon dahil inamin ni Angelica na isa pala siyang ampon.

Kuwento ng dalaga, bata pa lamang siya ay nakakaramdam na siya na hindi siya tunay na anak ng kinikilalang ina dahil may mga naririnig-rinig siya sa ilang tao sa kanyang paligid subalit hindi niya umano ito pinapansin dahil takot siya na baka mali ang kanyang akala.

Ngunit masaya naman si Angelika at hindi siya itinuring na iba ng nakagisnang pamilya. Ang totoo niyang ina, kahit na nakikita siya sa tv at alam na kumikita na ay hindi man lang nanggulo. Ipinamigay si Angelica ng ina dahil  noong mga panahong isinilang siya nito, hindi siya kayang buhayin ng naghihikahos na ina.

Parang teleserye naman ang buhay ni Angel. Palagi na lang siyang lamang ng mga tabloids at online journals dahil sa mga intrigang kinasasangkutan. Ang dukot picture nila ni Derek. Ang umanoy topless na larawan niya, ang awayan nila ni Gretchen at Claudine Barretto.

Isa ka ngang controbersiyal na actress Angel!




No comments:

Post a Comment