Thursday, December 9, 2010

Face Off: KC and Piolo Vs. Marian and Dingdong!


Nagsama-sama sa isang pambihirang pagkakataon ang dalawa sa pinakapatok na love team sa bansa na sina Piolo Pascual at KC Concepcion ng ABS-CBN at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng GMA-7, bilang ambassadors ng bottled iced tea brand na Green Tea Real Leaf.


 Ito ay naganap kahapon, December 7, sa White Space, Makati City.

Mukhang bigatin ang kumpanya ng Green Tea Real Leaf at all out ito sa ginagawang advertisement campaigns. Kunin mo ba naman ang apat sa pinakasikat na artista ng dalawang giant television companies sa bansa, ay isang napaka intelligent na marketing decision.

Bukod sa mga naimbitahang mga miyembro ng media, mismong ang apat na celebrities ay natutuwa sa pagsasama-sama nila sa isang proyekto.

Ayon kay Dingdong, "Sobrang masaya and excited, kasi I'm lined up with the country's most talented, well-loved artists."

Si Marian naman ay natuwa dahil sa unang pagkakataon ay nakilala niya nang personal si KC.

Para naman kay KC, bago para sa kanya ang latest endorsement niyang ito.

Paliwanag niya, "Ito ang kauna-unahang... Una, in-endorse ko na may kasamang iba in the last 10 years of my being an endorser.

"Number two, unang-unang beses ko rin na mag-endorse ng beverage kasi palaging beauty products.

"So, it's like really a fresh start for me."

Si Piolo naman ay natutuwa dahil isang pagkakataon ito na muling makatrabaho ang dating leading lady niya sa Lovers in Paris na si KC.

"We're both excited," sambit ng matinee idol. "We always wait for something to work together. So, when it came, we're happy."

Panalo ang marketing campaign na ito ng Green Tea Real Leaf!

No comments:

Post a Comment