Tuesday, December 7, 2010

Showbiz News: Sarah Geronimo, Hindi Lilipat sa TV 5!



Pagkatapos ng mga ugong-ugong at kontrobersiyal na pahayag ni Willie Revillame sa show nito sa TV 5, pinagdiinan ni Sarah Geronimo na mananatili siya sa ABS-CBN.


Dapat lang naman! Kapag lilipat si Sarah sa TV 5 tiyak magkatotoo ang hula ni Madam Auring sa kanya na maaga siyang malalaos! Wala ng manonood sa kanya doon no!



Imposibleng lilipat sa ibang istasyon si Sarah at kamakailan lamang ito pumirma ng kontrata sa ABS.  Kahit pa maagang nawala sa ere ang IDOL, may gagawin namang itong pelikula kasama si Gerald Anderson. Kung hindi tinurn down ni Sarah ang A very special love III na pagtatambalan nila ni John Lloyd at siyang dahilan kung bakit naging Box Office Queen siya, nag-soshoot na sana ito ng pelikula.

Mukhang malalim ang sama ng loob ng dalaga kay Lloydie at pinalampas nito ang pagkakataong kumita ng malaki. Sabagay, hindi plastic si Sarah. Oo mabait ito pero hindi plastic.

Kung lilipat ka man Sarah tiyakin mong doon ka sa mas lalo kang sisikat at hindi doon sa lalangawin ka.

5 comments:

  1. hehe.uo nman kc isa rin ako sa fun mu.sarah "gogo"

    ReplyDelete
  2. @sana magkaaus na kau ni cristine.and gudluck sa career.

    ReplyDelete
  3. HI SARAH JUST VSIT MAI FB JOYZHEL_TABERNA@Y.COM TNKZ INGATZ OLWYS UR MY BIG FAN

    ReplyDelete
  4. i dol kaya mo yan;i dolwag mong pansinin ang mga taong mahilig mang sira sayo bsta ipag patuloy m lang kung ano ka noon wag ka sana mag babago i do your my # 1 idol ingat u lagi..........

    ReplyDelete