Wednesday, December 8, 2010

Showbiz News: Zsa Zsa Padilla, Hindi Pakakasalan Ni Dolphy!


Twenty-years na rin pala ang samahang Dolphy Quizon at Zsa Zsa Padilla. Ganun pa man, sa hinaba-haba man ng prusisyon, hindi pa rin sa simbahan ang tuloy nila! Maselan ngayon ang kalagayan ni Dolphy at ayon pa dito, masyado na itong mahina para pakasalan si Zsa Zsa!


Ito ay dahil hanggang sa ngayon, hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal nina Zsa Zsa Padilla at una nitong asawa at ama ni Karylle na si Modesto Tatlunghari. Hindi na ito maaantay pa ni Dolphy na ngayon ay 82 yrs old na. Si Zsa Zsa naman ay forty-six years old.


Sa presscon ng pelikulang Father Jejemon kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites, ay tinanong ng press si Mang Dolphy kung umaasa pa ba silang makasal.

"Kung papayag pa siya. Nag-ooxygen na ako!" natatawang sagot ni Mang Dolphy.

Si Mang Dolphy ay 82 years old na, samantalang si Zsa Zsa naman ay 46 years old.

Kung wedding proposal naman daw ang pag-uusapan, maraming beses na raw itong nagawa ng Comedy King.

Aniya, "Maraming beses na, e. Ayos na nga, e. Naunsiyami. Napurnada nga.

"Ayos na. Nakagasta na kami. Dollars pa man din.

"Pero parang hindi na kami interesado.

"Tutal, after more than 20 years, e, yun na rin yun.

"Basta ang importante, nagkakasundo kayo."

Pero tulad ng title ng Metro Manila Film Festival 2010 entry na Father Jejemon, wish pa rin daw ni Dolphy na maihatid sa dambana si Zsa Zsa at mabendisyunan ni "Father Jejemon" ang kanilang pagsasama.

Okay lang yan Comedy King, Happy ever after pa rin naman kayo ni Mareng Zsa Zsa eh. Ang importante, mahal nyo ang isa't-isa. Ang iba nga diyan, nagpapakasal nga pero makalipas lamang ang ilang taon ay naghihiwalay na.

E kayo, dalawampung taon!

Panalo!

No comments:

Post a Comment