Sunday, December 5, 2010

Showbiz News: Jewel Mische and Gerald Anderson, Magtatambal sa Bagwis!

Matagal-tagal na ring usap-usapan ang tungkol sa paglipat ni Jewel mula sa GMA-7 papunta sa ABS-CBN, bagamat wala pang opisyal na pahayag mula sa young actress at maging sa Star Magic, kung saan nabalitang pumirma siya ng kontrata.

Kagabi, December 3, 2010, pormal ng ipinahayag ang paglipat ng look alike ni KC Concepcion na si Jewel Mische sa bakuran ng ABS-CBN.


Jewel, a former talent of GMA-7, was announced as the newest onscreen partner to the young hunk-actor Gerald Anderson for Bagwis during the ABS-CBN Christmas party for the press last Dec. 3 wherein the Kapamilya network also unveiled their offerings for 2011.


Isa ang Bagwis sa mga malalaking shows ng ABS-CBN sa first quarter ng 2011. Isa itong maaksiyong teleserye kagaya ng Kung Tayo'y Magkakalayo. Ang Bagwis ang kauna-unahang show kung saan hindi makakasama ni Gerald si Kim Chiu.

Bagay naman kaya silang dalawa? Gerald Anderson, the cutie who dumped Kim Chiu and Jewel Mische, the famous ex of Richard Gutierrez? Sabagay, pareho silang mestizo. O masasali rin kaya ang pangalang Jewel Mische sa mga makakatanggap ng Death Threats?

No comments:

Post a Comment