Monday, December 6, 2010

Showbiz News: Glaiza de Castro, May Bagong Bahay Na!

Tiyak na mas magiging bongga ang Pasko ni Glaiza dahil sobra-sobra ang blessing na dumating sa kanya ngayong taon. Sunud-sunod ang naging shows niya at nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa Grazilda this year. Dahil sa mga biayayang natamo, nagkaroon ng bagong bahay ang pamilya ni Glaiza.


Excited na ang bida ng top-rating GMA-7 telefantasya na Grazilda na si Glaiza de Castro dahil matutupad ang dream niya na mag-Pasko sila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay. Reading-ready na raw ang kanilang bagong bahay para sa pasko dahil napalamutian na ito ng Mommy niya.

Very thankful ang magandang actress sa napakaraming blessings na dumating sa kanya ngayong taon kesa noong mga nakaraang taon.

"Mas masagana tayo ngayong taon kasi nga, nakailang shows din ako," sambit niya."Ginawa ko ang Stairway to Heaven, Diva, Laff En Rol, Party Pilipinas, at itong Grazilda. Masasabi ko na mas merry ang Christmas naming pamilya kasi sunud-sunod ang mga biyaya na bigay ni Lord. Noon kasi, simple lang talaga ang Pasko namin sa Valenzuela. Kami-kami lang naman, tapos hindi nawawala ang mga luto ni Mommy."

"Kapag may mga naging shows naman ako sa taong 'yon, nakakapag-ipon ako at nakakapagbigay ako para sa Noche Buena at nakakabili ako ng pang-regalo sa family ko.

"Importante kasi ay sama-sama kami sa Pasko. Ngayon kasi, mas blessed tayo kaya yung mga inaasam ko noon na ihanda sa Noche Buena ay maihahanda na sa lamesa namin. Mas marami na rin akong reregaluhan kasi dumami ang mga inaanak ko.Siyempre, yung mga close relatives namin na noon pang sumusuporta sa akin ay hindi ko makakalimutang regaluhan ngayong Pasko."

No comments:

Post a Comment