Wednesday, December 8, 2010

Showbiz News: John Lloyd at Shaina, Nagpaplano Ng Magpakasal?

  
Going strong pa rin ang relasyong John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. They had withered a lot of intrigues, nasty rumors and challenges. Natunghayan ng publiko ang ginagawang effort ng dalawa upang ipaglaban ang kanilang relasyon na sinusubukang sirain ng mga detractors nila. Kaya naman ang tanong ng marami, magpapakasal na ba sila?

Ang sagot ni Shaina sa tanong na ito?

"Matagal pa ako. Marami pa kong gustong gawin sa buhay ko. Kabilang na ang more and more projects. Sa kahit anong anggulo tignan, I'm still too young to get married. Marami pa akong kailangang matutunan sa buhay at maraming marami pa 'kong pagdadaanan."

Oo nga naman! Wapak ka diyan Shai!

Dugtong pa ng aktres:
"Kahit gaano ka-negative 'yong mga ibinabato sa amin, nagpapasalamat ako. Kasi kung hindi dahil doon, siguro hindi kami tumibay. Para sa isang bagong relasyon, di pa kayo dapat ganito ka-strong. Or, nabibigyan ng ganitong mga problema. Dapat honeymoon stage pa nga itong first few months ninyo, di ba? Pero kami, binigyan kami agad ng problema, na surprisingly, kinaya namin. So I'm really very, very thankful."

Mukhang masayang-masaya ang actress sa piling ni Lloydie.

Ok, hindi kami magiging kj... heehhehe...

Kaya Goodluck na lamang at wish namin e maging mas masaya pa kayo Shaina at John Lloyd!

No comments:

Post a Comment