Tuesday, December 7, 2010

Showbiz News: Jake Cuenca at Melissa Ricks, 1 Year at 9 months ng Mag Jowa!

Magaling palang magtago ng relasyon itong sina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Aba, e akalain mo ba namang 1 year at nine months na pala silang nagde-date?!


Kung hindi pa nangyari ang maaksiyong komprontahan nina Jake at Jason Abalos, e hindi mabubunyag na matagal na palang magdyowa ang tisay na si Melissa at Tisoy na si Jake Cuenca.

Ang nagagawa nga naman ng selos ano...

Although humingi na ng dispensa si Jake sa inasal nito against Jason sa Davao, ito ang naging daan upang mapaamin ang actor sa tunay na estado nila ni Melissa Ricks. Napapabalita din kasing pinopormahan ni Jason Abalos ang jowa na pala nito at nag jelly ng husto ang guwapong hunk.

Ang haba tuloy ng hair ni Melissa. Imagine, pinag-aawayan siya ng dalawang yummy hunks?

Wowsa!

Wish na tuloy naming maging kasing ganda niya!

No comments:

Post a Comment