Saturday, June 4, 2011

Blind Item: Singer-Actress, Sobrang Na Depress sa Paghihiwalay Nila ng Asawa!


Sinasabing nadepress ng sobra sobra ang singer actress na ito dahil sa nangyari sa buhay may-asawa nito!

KINAILANGANG kumonsulta ng isang isang psychiatrist ng singer-actress na ito dahil sa matinding depression na pinagdaanan nang makipaghiwalay ito sa kanyang asawa. Hindi naging madali para sa singer-actress na tanggapin ang hiwalayan.

Malaking tulong sa singer-actress ang naging series of sessions sa psychiatrist dahil mas napabilis ang pag-move on nito.

Masakit para sa singer-actress na makipaghiwalay sa kanyang asawa. Hindi nito matanggap na sa kabila ng kanyang pagmamahal sa asawa ay nagloko pa ito.

Tuluy-tuloy pa din ang session ng singer-actress sa kanyang doktor. And she admitted na she’s a lot better at back-to-work na.

Hindi pinalad na magkaroon ng anak ang singer-actress sa asawa nito at gwapo ang asawa nito.

Monday, May 30, 2011

Showbiz Buzz: Relasyong Piolo Pascual at KC Concepcion, Pakulo Lang?


Marami pa ring bumabatikos sa relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion hanggang ngayon.

Ang latest issue ay umamin lang diumano ang dalawa dahil sa endorsement na magkasama sila. Ano kaya ang masasabi ni Piolo tungkol dito? “Everyone thought that I admitted because of the project. It was unfair, because parang naging people thought it was a plan, it was a promo ‘coz when the campaign came out, iisipin mo connected, yun nga lang when they got us, bago ko pa tanggapin, they were already cooking up a campaign for us. We’re just more careful with what we accept, as a love team, as a couple,” seryosong pahayag ni Piolo.