Monday, December 12, 2011

Showbiz Scandals: Katrina Halili, May Advise kay Rhian Ramos!


Kung meron mang nakakaintindi kung ano ang pinagdadaanan ni Rhian sa napakalaking kontrobersiyang kinasasangkutan nito sa ngayon, iyon ay walang iba kundi si Katrina Halili.

At dahil si Katrina nga ang minsan na rin dumaan sa ilang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan, hindi maiiwasang mahingan din siya ng reaksiyon sa isyu naman na kinasasangkutan ngayon ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos.

Ayon naman kay Katrina, "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin?

"Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?

"Hindi mo rin alam ang gagawin mo. So, para kang mababaliw.

"So, sana, maging strong lang siya.

"Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya.

"Magiging iba na, 'di ba? Kailangan lang talaga niyang tapusin 'yung stage na 'yun."

Kayo, ano sa tingin nyo ang mas malala, ang sex video ni Katrina, o ang abortion ni Rhian?

No comments:

Post a Comment