Wednesday, December 14, 2011

Showbiz Scandals: Anak ni Ping Lacson na si Jeric Lacson, Bagong Jowa ni Rhian!


Kinumpirma mismo ni Senator Panfilo "Ping" Lacson na magkarelasyon ngayon ang anak niyang si Jeric Lacson at ang aktres na si Rhian Ramos.

Pero ayon din sa Senador, ayaw nitong makialam sa relasyon ng dalawa.

Ang ikinabigla lang daw ni Senator Lacson ay nang makarating sa kanya ang balita na nang kausapin daw ni Jeric si DJ Mo, sinabihan daw ito ng kontrobersiyal na radio host/radio jock ng:

"Anak ka lang ng senador, hindi ikaw ang senador. Kung gusto mo akong ipapatay, puntahan mo lang ako sa bahay ko."

Ayon sa senador, "ill-advised" ang mga pahayag ni DJ Mo at kailangan daw nitong maghinay-hinay.

Aba at umaariba na naman itong si Rhian!

No comments:

Post a Comment