Saturday, December 17, 2011

Showbiz Feud: Heart, Pinalitan Bilang Leading Lady ni Dingdong Dahil kay Marian!


Si Heart Evangelista ang original choice para maging kapareha ni Dingdong Dantes sa upcoming primetime series ng GMA-7 na The Beloved. Pero dahil sa naging isyu noon ni Heart sa girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island, hindi natuloy si Heart sa proyekto. Sa halip, pinalitan siya ni Rhian Ramos.


Pero kahit nakapagsimula nang mag-taping si Rhian, papalitan din ito ng ibang aktres, bunsod ng isyung kinasasangkutan naman nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mo Twister.

At dahil dito, si Marian Rivera na ngayon ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa nasabing primetime show.

Ano naman ang masasabi ni Heart sa palitan issue na ito?

Ayon sa Kapuso actress, "I trust GMA and their choices naman. So, kung iyon ang naging choice nila, I'm also happy. Kasi ayoko rin ng gulo. Ayoko rin ng anything. Sometimes it's better to just back off, di ba?"

Bagamat nawala kay Heart ang The Beloved, may ipinalit naman na project para sa kanya ang Kapuso network. Ito ay ang Legacy na pagsasamahan ng ilan sa pinakasikat na young at veteran stars. Bukod kay Heart, kasama rin sa cast sina Lovi Poe, Sid Lucero, Geoff Eigenmann, Alessandra de Rossi, Solenn Heussaff, Cherie Gil, at Eddie Garcia.

Noong Martes, December 13, ang first taping day ni Heart para sa Legacy.

"Ecxited ako para sa project," sambit niya. Magagaling 'yong mga artistang kasama ko. Lahat naman minsan may kapalit, e. Mas maganda pa nga minsan 'yong kapalit na napupunta sa 'yo. Mas makakabuti. So, okey lang."

Tungkol ba saan ang Legacy? Ayon kay Heart, "It's about sisters' rivalry, unconditional love of the family. Tatlo kami nina Lovi at Alessandra na magkakapatid."

No comments:

Post a Comment