Sunday, December 11, 2011

Showbiz News: Sarah Geronimo, Kapamilya Pa Rin!


Tinuldukan na ni Sarah ang matagal nang usap-usapan tungkol sa paglipat umano niya ng TV network. Mananatiling Kapamilya ang Popstar Princess matapos niyang pumirma ulit ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Ayon kay Sarah:

"Kasi po at home na talaga ako sa ABS. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa ABS-CBN ako nakilala talaga bilang Sarah Geronimo, dahil sa malalaking breaks na ibinigay nila sa akin sa TV at sa pelikula."

Bukod sa ASAP Rocks ay may nilulutong sariling show para kay Sarah.

Ano ang nararamdaman niya na magkakaroon siya ng bagong show?

"Natetensyon din po siyempre sa panibagong show.

"Dadalhin po natin yung show na yun. So, nakaka-tense.

"Pero excited po ako and happy na pinagkatiwalaan po ako ng ABS-CBN ulit."

Kung siya ang masusunod, ano ang gusto niyang maging concept ng show niya?

"Sana magawa ko ulit yung parang Little Big Star noon kasi malapit talaga sa puso ko yung mga singing contest bilang galing din ako riyan."

Kaabang-abang din sa 2012 ang balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula.

Ito na ang pangatlong pagsasama nila matapos ang box-office hit movies nilang A Very Special Love noong 2008 at You Changed My Life noong 2009.

Iniluklok din sila bilang Box-Office King and Queen para sa mga naturang pelikula.

"Ang alam ko po baka gumawa ng movie with John Lloyd.

"Sana matuloy kasi gusto ko na siyang makatrabaho ulit."

No comments:

Post a Comment