Saturday, December 10, 2011

Showbiz News: Vic Sotto, Iniwasang Sagutin Ang Tanong Kung Sila Na Ba Ni Pauleen Luna!


Sa Press Conference ng pelikula ni Bossing Vic Sotto na Enteng Ng Ina Mo, hindi naiwasang tanungin ng press ang tungkol sa lovelife nito at sa napapabalitang May December love affair nila ni Pauleen Luna.

Halatang idinadaan na lang ni Vic sa mga biro ang sagot niya sa mga tanong ng press, lalo na nang tanungin kung may lovelife ba siya ngayon.
Nagsimula ang attempt ng entertainment press na alamin ang tungkol sa kanila ni Pauleen sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang plano niya ngayong Pasko.Sagot ni Vic, "Ganoon pa rin. Kung ano ang plano ko last year, hindi naman nagbabago yun, e."

Sundot na tanong sa kanya: May nagpapainit ba ng Pasko niya ngayon?

"Palaging mainit din ang Pasko ko. Tuwing Pasko, natatanong din ako niyan!" natatawang sagot ni Bossing.

Sumunod na tanong: Mas masaya ba ang Pasko niya ngayon?

"Palaging masaya ang Pasko," tugon ni Vic.

Hirit na tanong muli sa kanya: May inspirasyon ba siya ngayon?

"Palagi akong may inspirasyon. Marami akong inspirasyon," safe na sagot niya.

Sabi niya, "Palagi akong may lovelife."

Sa huli, hindi na rin napigilan ng press na direktang tanungin kay Vic, 57, ang nali-link sa kanya ngayong si Pauleen, 23.

Mabilis namang sagot ni Vic: "Si Pauleen Luna has a very important cameo role in this movie [Enteng Ng Ina Mo].

"That's it. That's all there is to it.

"In other words, sa Tagalog, hanggang doon na lang ang masasabi ko dahil mas marami kayong nasasabi kesa sa akin."

"Si Pauleen Luna has a very important—pivotal ha—pivotal ang role niya rito sa pelikulang ito.

"And in fairness to Pauleen, maganda ang pagkakaganap niya. Abangan n'yo."

No comments:

Post a Comment