Tuesday, December 6, 2011

Celeb Predictions: Dingdong at Marian Maghihiwalay sa 2012 Dahil si Marian Mabubuntis ng Ibang Lalaki?!


This early ay marami nang naglalabasang mga hula about your favorite celebrities, at isa sa paboritong paksa nga ng mga manghuhula ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. One of the predictions about the magdyowa ay maghihiwalay daw sila sa 2012.

At bakit?

May nagsasabi kasi na may ibang lalaki daw na makakabuntis kay Marian. 
Hanu dhaw?

At ano naman ang masasabi ni Dingdong sa mga hulang ito? “Okey lang! So far, hindi rin naman sila consistent. Dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng ganu’ng hula.

“Okey lang ‘yun. Kanya-kanya namang hula ‘yan. Kahit ako, nanghuhula rin ako. Na…laru-laro lang, di ba? Pero ayos lang ‘yon. Ayos lang ‘yun.

“Nagkataon lang siguro na nanghula sila, e, na-publicize. So, if that’s their opinion, okey ako doon. Basta ang importante, ‘yung commitment at pananalig sa katotohanan at sa Diyos. Iyon na yun.

“At matibay ‘yung bond ng pagmamahal namin ni Marian sa isa’t isa. Matibay na matibay,” chika pa ng aktor.

Wala pa rin daw silang planong magpakasal ni Marian, “Hindi pa namin napag-uusapan. ‘Yung ganyan naman, sa tamang panahon.”

Sa darating naman na Pasko, mas trip ni Dingdong na mag-stay lang sa bahay, “I just want to stay home. Tapos, ‘yung gitna ng Christmas at New Year, gusto kong pumunta sa malayong lugar ng konti,” siyempre, kasama pa rin niya diyan si Marian.

“‘Yun lang. Gusto naming magpunta sa Boracay siguro. After Christamas iyon.”

Kalowka naman ng hula hoop na to.

No comments:

Post a Comment