Tuesday, December 6, 2011

Showbiz News: Shaina at John Lloyd, Muling Nagkabalikan?


Amidst the news of nasty and controversial breakups in showbizlandia, Shaina and John Lloyd takes a detour. Sila namang dalawa ay nagkabalikan daw!

Ayon sa isang source, magkasamang dumalo sina Lloydy at Shaina sa kasal ng isang road manager ng Star Magic noong December 4. Magkahawak ng kamay ang dalawa sa reception ng nasabing kasal at masayang nagpapa-picture sa mga bisita ng bagong kasal. Sa obserbasyon ng source ay parang wala daw naganap na problema ang dalawa sa kanilang mga kilos at closeness sa isa’t-isa.
Aside from that, nakunan naman ang dalawa na magkasama sa concert ni Jed Madela just recently na tila nagkukumpirma na bumubuti na uli ang kanilang samahan.

Naging makahulugan din ang pahayag ni German Moreno na kilalang malapit sa dalawa. “Hindi ko tinatapos ang kabanata. Baka bukas, makalawa magkabalikan dahil balita ko nagpaliwang si John Lloyd kasama si Shaina. Kung meron mang pag-asa kung talagang magkakaron ng pagbabago, bakit hindi? Siyempre si Shaina nabiktima ng mga intriga, ganyang balita [at] paratang. Sa akin si John Lloyd ay mabait na bata naman, eh kaya lang sana matuto rin siya. Kung meron nakikitaan ng iba na ‘di dapat makita ang iba, huwag niyang gawin.”

Good news ba ito? O deadma lang tayo? Ahihihi...

No comments:

Post a Comment