Tuesday, December 6, 2011

Showbiz News: Annabelle Rama Muntik ng Sinapak si Nadia Montenegro sa Harap ng Fiskalya!


Galit na galit ang talent manager na si Annabelle Rama kaninang umaga, December 6, nang makausap ng press sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Nagmamadaling umalis si Annabelle mula sa isang clarificatory hearing para sa kasong child abuse at defamation na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.

Nagkaroon kasi ng bahagyang kaguluhan nang magsisigaw si Annabelle sa loob ng office ng piskal na si Liezel Aquiatan-Morales. Kahit na humahangos ay nakapagbigay pa rin ng maikling panayam si Annabelle sa media na humahabol sa kanya.
Eto ang galit na galit na pahayag ni Annabelle pagkatapos ng paghaharap nila ni Nadia. Ipinaliwanag ni Annabelle kung bakit siya nagsisigaw.

"Kasi sinungaling siya, e. Deny siya nang deny sa fiscal.

"Tapos parang dinidiin niya ako.

"Sabi ko, 'Magsabi ka ng totoo sa fiscal, wag kang magsinungaling!'

"Kasi mga tanong kasi ni fiscal, hindi niya masagot-sagot.

"Sinungaling siya!"

Si Nadia ang pinatutungkulan ni Annabelle sa kanyang matatalim na pahayag.

Paliwanag pa niya, "Sabi ng fiscal kasi, 'Dati kayong magkaibigan.'

"Sabi ko, 'Wala akong kasalanan. Ang kasalanan ko lang, magbigay ng trabaho sa dalawang anak niya.

"'Nandiyan ang mga bata, magdamag nagtatrabaho 'yan, kumukuha siya ng pera.'"

Hindi pa rin kumakalma si Annabelle habang kinakapanayam ng press.

Ang kanyang mga sumusunod na pahayag ay sinabi niya nang pasigaw:

"Sabi ko, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin!' [Sabi niya] wala siyang utang.

"Kapal ng mukha niya!

"Wala siyang utang sa akin? Pera daw ng mga bata ang kinukuha niya sa akin. Pera ng mga bata?

"Ang suweldo ng mga bata, 20,000? Ano, kupitin ko ba yun?

"Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan!"

Pagpapatuloy ni Annabelle, pinagsisihan niya raw na tanggapin bilang mga talent ang mga anak ni Nadia na sina Alyanna at Anykka.

"Hoy, Nadia, nagsisisi talaga ako tinanggap ko yung anak mo, 'day!

"Sus, sising-sisi talaga ako.

"Pinaaral ko ng dancing, pinaaral ko ng singing.

"Paaral ko lahat ng paaral, may recording pa.

"Kumikita ang bata, akala mo superstar! Ipinapa-release niya sa akin.

"Hoy, manigas ka, tanga!"

Hinding-hindi raw niya ire-release sa management contract ang dalawang menor de edad.

"Hindi ko ire-release ang anak mo, gago!" mariin pa niyang sabi.

No comments:

Post a Comment