Sunday, December 4, 2011

Showbiz News: Piolo Pascual, Lilipat ng Ibang Istasyon Dahil sa Break Up Issue nila ni KC?!


Masama daw ngayon ang loob ni Piolo sa ABS dahil sa lumabas na Tell All Interview ni KC Concepcion sa The Buzz kung saan umani ng maraming reaksiyon at batikos tungkol sa tunay na gender preference ng tinatawag na Ultimate Heartthrob ng Kapamilya.

Pagkatapos isawalat ni KC Concepcion ang totoong estado ng relasyon nila ni Piolo Pascual, kumalat ang balitang nagbabalak na namang lumipat ang huli sa TV5.

Dagdag pa niya, usap-usapan daw ng ilang empleyado sa bakuran ng Channel 2 na ang interview ng The Buzz kay KC Concepcion ay parte raw ng "demolition job" laban sa singer-actor.

Subalit, pinabulaanan ito ni Thess Gubi, ang publicist ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na may hawak sa career ng ex-couple. She said, "He has contract with ABS-CBN."

Hindi na rin daw siya nagulat sa balita, dahil may ilang miyembro na rin ng press na nagtanong na sa kanya.

At muli, binigyang-diin nito: "He's very much a Kapamilya."

Enero ng taong ito noong unang lumabas ang mga report tungkol sa paglipat ni Piolo.

Ayon sa mga haka-haka sa showbizlandia, ang aktor daw ang kumausap sa TV5, na nag-offer diumano ng "800 million pesos" para sa isang three-year contract. Subalit sa huli, nagpasya raw si Piolo na manatiling Kapamilya. Pero ngayon ay mukhang buo na ang loob nitong tuluyan ng lumipat ng istasyon.

Eh di ba lilipat din sa Channel 5 si Mega?

3 comments:

  1. Ito lang masasabi ko, kung hindi bakla si Piolo sana magsalita siya but then again dahil sa sobrang paghuhusga as pagiging devoted na ng ilang press people at sa pagiging judgemental na rin ng mga tao... LALANTAD PA BA SIYA "KUNG" BAKLA nga siya? Sa ganitong society di ba't napakahirap.

    On the other hand kung sabihin niya bang HINDI AKO BAKLA, bading, gay, homosexual o bisexual man (KUNG IYON NAMAN TALAGA ANG TOTOO)... PANINIWALAAN BA SIYA AT TATANTANAN ng mga press lalo na sila Alfie at Cristy?

    Bottomline is, if he talks everyone will still assume otherwise. Pag nagsabi siyang di siya bakla (dahil hindi naman talaga) they will say defensive at denial lang siya. Pag nagladlad siya (kung bading nga siya) wasak ang career niya na pinaghirapan niya ng maraming taon, in the end and either way TALO SI PIOLO, MALI SI PIOLO.

    So I guess on the part of ABSCBN lalo na ang Star Magic dapat sila tulungan din nila si Piolo (kung hindi bakla si Piolo) why don't they stand up for him, just like what Mr. Gozon of GMA is doing in the case of Rhian Ramos.

    ---------------

    Kung lilipat man ng channel si Piolo, I hope hindi sa TV5 hindi sisikat siya doon at saka magbubnyi lang si Cristy Fermin tapos biglang babawiin ang mga pahayag niya laban kay Piolo and instead she'll do the ass-kissing comments and praises (na puros kaplastikan).

    Piolo must fly to GMA baka doon, alam nila kung paano matutulungan si Piolo (either gay o straight siya). Baka sa GMA mas mapapanatag nila ang views & opinions ng tao (kung hindi nga talaga siya bakla). Baka sa GMA mas madami pang ibang genre o field sa television/movie/music ang magawa ni Piolo.

    Piolo gay or not is a great actor and artist. I respect his talent, his passion to the industry to his craft, the way he handles himself ang ayoko lang masyado siyang shielded, hindi niya hinaharap ang issues.

    And Piolo gay or not I respect him as a person, but me as a fan I would feel a bit disappointed kung bakla nga siya, kasi ultimate crush ko talaga siya. But then I'll still respect him no matter what, who he really is.

    ----------------

    Kapamilya ko but I'd rather see Piolo in GMA7.

    ReplyDelete
  2. HEY UGLY, OWNER OF THIS PAGE, DON'T DELETE MY COMMENT IF YOU'RE GUILTY.

    - Bianca Miles (Beverly Bianca Golez-Tupas RN)

    ReplyDelete
  3. Bianca Miles (Beverly Bianca Golez-Tupas RN)- what comment are you referring to? I am not deleting any comments here but the anti-spam feature filtered your comments cuz u are spamming my blog! thank goodness! And hey, look at yourself in the mirror! You are behaving as if u are from the slums of Binondo and not an RN. Shame on you!

    ReplyDelete