Saturday, December 10, 2011

Showbiz News: Marian Rivera, Niregaluhan Ng Mamahaling Ducati si Dingdong!


Ibang klase ngang magmahala itong si Marian Rivera. Ang iniregalo lang naman ni Marian kay Dingdong ngayong Christmas ay isang Ducati motorcycle, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 million.

Sa hiwalay na panayam kay Dingdong ay sinabi nitong maging siya ay nagulat sa iniregalo sa kanya ng gilfriend.

Paliwanag ni Marian, "Actually, wala sa mahal 'yan. Kung anong bagay 'yan.

"Kasi si Dong, hindi mo maitutumbas kahit gaano pa kamahal or ka-cheap na regalo.

"Para kasi sa akin, priceless si Dong.

"Deserve niya 'yan dahil sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, kulang pa 'yang materyal na bagay na 'yan."

Hindi na matandaan ni Marian ang eksaktong oras kung kailan niya ibinigay kay Dingdong ang motorsiklo.

Aniya, "Basta ang alam ko, sinorpresa ko siya diyan.

"Kasi alam ko, 'yan talaga ang gusto niyang bilhin.

"At bilang magki-Christmas na, siguro para hindi na rin ako mag-isip, binili ko na lang."

May iba pa ba siyang gift kay Dingdong sa mismong araw ng Pasko?

"Meron naman," sagot ni Marian.

Meron pa rin bukod sa motorsiklo?

"Card! Ano pa ba? Card, di ba?" natatawang sabi niya.

Milyon ang sinasabing halaga ng Ducati. Pero idiniin ni Marian na huwag na ang presyo ng regalo niya ang pag-usapan.

Ayon kay Marian, "Kaya nga sabi ko, huwag na nating pag-usapan ang price.

"Cheap man 'yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Hindi kaya makaramdam naman ng pressure si Dingdong sa ireregalo nito kay Marian dahil sa naging regalo niya?

Pero ayon kay Marian, "Hindi...alam naman ni Dong at alam naman ng mga taong malapit sa buhay ko na hindi naman ako mahirap i-please.

"Kahit ano, puwede sa akin."

No comments:

Post a Comment