Thursday, November 25, 2010

Showbiz Scandal: Sharon Cuneta, Isa Ng NEGA?!

Sunod-sunod ang mga balitang nega na umano ang ever sweet na megastar na si Sharon Cuneta. Nag-ugat ang intrigang ito sa concert ni Ai-ai delas Alas ng mag guest sa concert si sharon. Dunalo din sa concert si Aga Muhlach, ang dineadma daw nito at pinaringgan ng mga di kanais-nais na salita.


Sa concert ni Ai-ai habang nag-uusap sila ng komedyante, sinabi nito na nanduon din si Aga at ang wife nitong si Charlene. "Sinong Aga?" Ito daw ang sagot ni Mega. "Si Aga, leading man mo dati tulad ni Richard at Gabby." Hindi pa rin daw maalala ni Sharon kung sino si Aga at nagdagdag pa... "You know friendship, nagdedelete na ako ng mga friends."

May Amnesia Girl tuloy ang drama ni Mega.

Ang intrigang ito ay nag-ugat sa balitang pagtanggi umano ni Aga na magtambal sila sa pelikula ni Mega at sa halip ay tinanggap ang offer na magkapelikula sila ni Lea Salongga.

Nahurt tuloy si Mega at naging nega... hehehe...

Napabalita ring deneadma din ni mega si Lea ngunit kaagad na itinanggi ito ng Miss Saigon beauty.

Maybe Mega is up for a change. To add spice to her sweet image. Buti naman yang magtaray siya paminsan-minsan at hindi iyong puro pa sweet sweet lang. Nakakaumay kasi.

No comments:

Post a Comment