Friday, November 26, 2010

Showbiz News: Venus Raj, Rumampa Na Naman!

Muli na namang rumampa ang kagandahan ng Beauty Queen na si Venus Raj sa entablado, this time sa catwalk naman at hindi na sa Miss Universe Contest.

Noong nakaraang Sabado, Oktubre 30, rumampa uli si Venus kasama ang ibang beauty queens─Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles at Bb. Pilipinas-Miss Universe 2009 Bianca Manalo—para sa Lee fashion show sa SM Mall of Asia Atrium.


Kung dati-rati ay sa mga pilapil ng kabukiran siya naglalakad araw-araw, matapos ang kanyang pagkapanalo ng fourth runner-up sa 2010 Miss Universe pageant ay sunod-sunod na ang pagrampa ni Venus sa catwalk ng fashion shows.



Malayo na nga ang narating ng dalaga. Pinatunayan lamang ng istorya ni Venus na kung karapat-dapat ka, mapupunta sa iyo ang hinahangad mong tagumpay.

Long live Venus, the Queen!

1 comment: