Wednesday, November 24, 2010

Showbiz News: I Love Dobby of HP 7!

"Dobby has come to rescue Harry Potter and his friends!"

 I so freakin love Harry Potter 7! Ang ganda ganda ng movie! Ito ay puno ng aksiyon, ng drama, ng pagmamahal... lahat ng elemento ng isang napakagandang pelikula ay nasa Harry Potter 7. Ngunit ang pinakamalungkot na bahagi ng movie, sa kabila ng maraming karakters ang namatay, I literally cried when Dobby died.


 Si Dobby ay isang weird at pangit na elf. Ngunit sa kabila ng hindi magandang anyo, he has endearing qualities. Siguro ay dahil siya lamang ang karakter na pwedeng makaligtas kay Harry sa panahong nasa bingit ito ng kapahamakan. Nakaligtas nga si Harry ngunit kapalit naman niyon ang buhay ni Dobby. Inialay nito ang buhay sa isang kaibigan at iyan ay isang dakilang pagmamahal.

 Nalulungkot ako sa pagkamatay ni Dobby. At alam ko hindi lamang ako ang nakakaramdam ng ganito. Marami tayo.

1 comment: