Tuesday, November 23, 2010

Blind Item: Sino itong TV Host Actress na Ubod ng Plastic?


Naging laman ng mga showbiz balita at usap-usapan ang TV Host actress na ito na naging kontrobersiyal dahil natuklasan ng mga kaibigan ang totoong ugali nito. akala mo pa naman ay ang bait bait ng TV Host actress na ito ngunit ubod pala ng kaplastikan at mainggitin! kinukuwestiyon daw nito ang pagkakaroon ng sariling talk show ng isang sikat na young actress dahil nanggaling lamang daw ito sa maimpluwensiyang pamilya at hindi raw ito karapat-dapat na magkaroon ng sariling show!


 Clue para sa blind item na ito: Masyadong kikay at maingay ang TV Host na ito at halatang KSP at palaging gumagawa ng eksena. In love na in love rin ito sa kasalukuyan!

Gets nyo na ang blind item na ito?

2 comments:

  1. mariel rodriguez...

    tapos si kc yung galing sa maimpluwensiyang pamilya..

    ReplyDelete