Sunday, December 18, 2011

Showbiz News: Tambalang Kim Chiu at Xian Lim, Patok Na Patok!



Pinatotohanan nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang undeniable chemistry sa sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum noong Martes, Disyembre 12. Grabe ang hiyawan ng fans at halos mayanig ang Araneta sa kilig nang kantahin nila ang “Miss Kita Kung Christmas” lalo na nung sinorpresa ni Xian si Kim at inabutan niya ito ng bouquet of flowers.

Pati ang Presidente ng ABS na si Charo Santos Concio ay napakilig at napapalakpak sa loveteam na ito!



Sobrang saya ni Kim dahil mas positibo ang reaksyon ng tao sa bago niyang leading man. “Nakakagulat yung pagtanggap ng mga tao kasi first time namin lumabas ni Xian sa Araneta. Nagustuhan nila yung love team namin kaya nakakatuwa,” ani Kim na natatawa.

Nang tuksuhin siya na balak siyang bigyan ng regalo ni Xian ngayong Pasko, inamin ni Kim na meron din siyang regalo para dito. “Talaga ha? Aabangan ko ‘yan! Hahaha! Kung may regalo ako kay Xian? Siyempre meron naman akong mga gift and isa siya sa mga taong bibigyan ko ng regalo ngayon Pasko.”

Aminado si Kim na matagal na silang magkaibigan ni Xian at marami ang umaasa na mas lumalim pa ang kanilang relasyon sa mga susunod na araw. Pero nagpakatotoo lang si Kim nang tanungin namin siya kung may romantic feelings na sila para sa isa’t isa ngayon. “Ano naman, maayos naman kami ni Xian. Wala pa naman something special. Pero masaya naman siyang kasama.”

7 comments:

  1. Looking forward for a closer and romantic relationship between Kim and Xian. O Xian, bilis bilisan mo naman since you have all the chances to make Kim feel how you care for her, if ever.

    ReplyDelete
  2. sana may movie c xian at kim..

    ReplyDelete
  3. chaka si dj orga ng 89.3campus radio tuguegarao!

    ReplyDelete
  4. ang pogi ni melvin mora!!!!

    ReplyDelete
  5. ang pangit ni ednal malupeng!!! sarap i-bj

    ReplyDelete
  6. PLEASE VOTE FOR MR. MELVIN M. MORA FOR PRESIDENT! CAGAYAN STATE UNIVERSITY TUGUEGARAO CITY.
    YOU MAY CAST YOUR VOTE ONLINE.

    ReplyDelete