Tuesday, December 20, 2011

Showbiz News: Shamcey Supsup, Inili-Link kay Piolo Pascual!


Nang tanungin si Shamcey tungkol sa mga balitang lumalabas tungkol sa kanila ni Piolo na marami ang nakapansin na nung nakaraang Ad Congress sa Bicol ay nagbubulungan at very sweet diumano ang dalawa, ang nasagot ng dalaga, “Di ko nga siya nakatabi ever at ‘di ko pa siya nakausap ever at nung time na yun ‘di pa kami na-introduce to each other so ang nakausap ko talaga dun si Venus, si John Lloyd (Cruz) at si Maja (Salvador) kasi sila yung mga kasabay namin sa plane pabalik pero si Piolo ‘di ko pa siya nakausap nun…. Pero for Star Awards dun na, kasama ko sina Richard Gomez and Dawn Zulueta kaya dun kami nagkaroon ngtime magkausap.”


Pero willing naman daw ito to do a movie project with Piolo Pascual.

“Of course, everyone naman dreams to have him as a leading man kumbaga marami akong mga kaklase na idol na idol siya at kinapalan ko na mukha ko kumuha talaga ako ng video from Piolo for my friend kasi sobrang idol na idol siya na nung binigay ko yun pwede na daw siyang mamatay. Sobrang saya niya parang early Christmas gift ko na for her,” ang sagot ni Shamcey.

Desperate move na naman ba ito ng kampo ni Papa P. para protektahan ang sira ng image nito?

Well, marunong na ngayon ang mga viewers no at hindi na ganun kadaling maloko!

No comments:

Post a Comment