Wednesday, December 15, 2010

Vizconde Massacre: Freddie Webb: Gustong Kasuhan si Jessica Alfaro at Makulong!

Nagpaunlak ng panayam si Freddie Webb at ang anak niyang si Hubert kaninang umaga, December 15, sa programang Headstart ng ANC, ang ABS-CBN News Channel.

Sa nasabing programa na hinu-host ni Karen Davila, inilahad ng mag-ama kung ano ang kanilang saloobin sa desisyon ng Supreme Court na i-acquit si Hubert at ang iba pa niyang mga kasama na na-convict sa Vizconde murder case.


Mahigit 15 taon nakulong sina Hubert matapos maiturong mga pangunahing suspek sa massacre sa mag-iinang Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde noong 1991.

Ang prime witness na nag-akusa kay Hubert ay si Jessica Alfaro, na nagsabing nakita niya umano ang ginawa ni Hubert.

Kahapon, Disyembre 15, ay binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals at ng isang ParaƱaque court na nagbigay ng life sentence kay Webb at sa iba pa.

Ayon sa mataas na hukuman, hindi isang credible na witness si Jessica dahil may inconsistencies ang sworn statements nito.

Hindi na gustong balikan pa ni Hubert ang nakaraan. Ayaw na rin nitong gumanti sa taong nagpakulong sa kanya, si Jessica Alfar.

Ngunit iba naman ang saloobin ng ama nitong si Freddie Webb. Nais ng dating senador na maramdaman ni Jessica kung ano ang pakiramdam ng makulong.

"We're looking at the possibility to sue her, not for money or anything. To sue her so that at least she will know how to live behind bars. She will know how hard it is," saad niya.

Samantala, napabalitang hinahanda na ng mga Webb ang kasong "perjury" laban kay Jessica dahil sa pagsisinungaling umano nito sa kanyang mga sworn testimony habang nililitis ang kaso.

Sa lahat ng ito, ang tanging hangad namin ay makamtan ni Mang Lauro Vizconde ang hustisya.

Sana naman ay maganap ito! Hindi natutulog ang Diyos!

No comments:

Post a Comment