Saturday, December 18, 2010

Showbiz News: Toni Gonzaga, Will Play Sexy Santa This Christmas!


Dahil sa maraming biyayang natanggap ni Toni Gonzaga ngayong taon, plano ng actress na mamahagi ng mga blessings sa mga nangangailangan ngayong Pasko!

Maraming natanggap na awards ang actress at ang latest film niyang My Amnesia Girl ay sobrang tumabo sa takilya.


Kailangan kong maging grateful at magpasalamat nang todo-todo this year dahil God has been so good. He’s been faithful talaga,” said Toni.

Lagi kong sinasabi before na bilang isang artista naman we’re not here to win awards pero kung minsan binibigyan tayo ng ganung parangal, mas nakaka-inspire ‘yun sa amin para magtrabaho at magsipag at maging responsable sa ginagawa namin in front of the camera. Masarap sa pakiramdam na nararamdaman mo na naa-appreciate ka ng award-giving bodies like these and it gives us more drive and encouragement to be better.”

Aside from these recognitions, Toni shared that she did not expect that her latest movie with John Lloyd Cruz, My Amnesia Girl, would surpass the P100 million mark.

Napakasarap na makatanggap ng ganong klaseng pagtanggap [at] pagmamahal mula sa mga manonood ng pelikulang Pilipino dahil ‘yung mga naging kasabay namin mga bigating pelikula,” she added, referring to Hollywood movies. 

And because of the blessings that she received, Toni said that instead of buying herself a lavish gift this Christmas, she will just give back the blessings to charity. “I’d rather give back na lang like [to] my church [and to] the foundation I’ve been working [with] every year. Wala na akong ireregalo sa sarili ko kasi marami nang nairegalo sa akin ang Diyos. Siguro it’s about time na ako naman ang magbigay para sa diwa ng Pasko. After all naman ‘di ba ang Pasko is about giving love?”

Tumpak ka diyan Toni!

Naway pagpalain ka pa ni Lord upang mas marami kang taong matutulungan!

1 comment:

  1. Wow..ang bait nmn ni Toni..mas kumita b ung My Amnesia kaysa sa My very special love nila Sarah at JL?

    ReplyDelete