Wednesday, December 15, 2010

Showbiz News: Isabel Oli, Bagong Babae sa Buhay ni James Yap?


Simula ng pumutok ang balitang nagdedate daw sina James Yap at Isabel Oli, naging mailap sa press ang actress. May iniiwasan ba ito?

Nakorner ang actress sa presscon ng Rosario kung saan kabilang ito sa cast ng award winning na pelikula ni Jennylyn Mercado.

Napilitan tuloy itong sagutin ang mga intriga. As expected, nagdeny ito sa estado ng tunay na relasyon nila ni James Yap.



Ayon sa actress:

"I really find it absurd," sabi ni Isabel noong una niyang marinig ang istorya tungkol sa pagkakaugnay nila ni James.

Ayon kay Isabel, nakita raw sila ni James sa isang mall sa Makati.

"Noong una talaga, sobrang natawa na lang ako. Parang hindi yata tama."

Pero nag-usap na raw sila ni James tungkol sa isyung ito.

"Wala din. Siya din, natawa din. Natawa siya kasi alam niyang hindi totoo."

Pero matapos ang isang linggo at hindi pa rin namamatay ang isyu, hindi na natuwa si Isabel.

"Natakot na ako. 'Bakit ganito? Bakit hindi namamatay?'" sabi niya.

Paglilinaw ni Isabel, may ka-date siyang iba nang makita siya with James.

"Yung ka-date ko was there, kasama ko.

"Yung nagsulat lang, e, hindi ko alam ba't hindi niya nakita na may kasama akong guy.

"Si James, may kasama ding friends.

"Sa write-up kasi, parang ang sinabi na kaming dalawa lang.

"Si James, e, ang dami talagang kasamang friends niya. Yung iba pa yata, basketball players din.

"Ako, may kasama talaga ako. Yung ka-date ko."

Ang ka-date daw niya that time ay isang non-showbiz guy na nagtatrabaho sa isang multinational company.

Hanggang ngayon ay nagde-date pa rin daw sila ng lalaking tinutukoy niya, na mas bata kay Isabel.

No comments:

Post a Comment