Sunday, December 12, 2010

Couple Alert: John Pratts, Happy Na Kay Rachelle Ann Go!


Mukhang tuluyan ng naka move on sa shocking at sudden breakup nila ni Shaina Magdayao si John Pratts at iba na ang aurang ine-exude nito ngayon. Mukhang happy na nga ang binata at iyon ay dahil may isang magaling na singer na nagpapakanta sa puso nito, si Rachelle Ann Go.


His sister Camille Pratts is also happy about this latest happening in her brother's lovelife. Buto din ang actress kay Rachelle Ann para sa kapatid nito. She confirmed that their parents already had the chance to get to know the 24-year-old singer as well.


“Okay naman, masaya sila so I’m happy for them. Si Rachelle I’ve met her before. She's really a nice person. She’s very down-to-earth, hindi mo mararamdaman sa kanya yung artista factor. And si John naman hindi naman siya magpapakilala sa amin kung hindi pa siya seryoso sa isang babae. So I hope maging smooth sailing yung takbo ng kung anong meron sila ngayon,” sabi ni Cam.

Camille shared that she really felt sad when things didn’t work out between John and his ex-girlfriend Shaina Magdayao. “Oo, sobrang nasaktan at nalungkot kasi parang it was very sudden, parang wala masyadong closure e. Parang ganon ganon na lang natapos yung relasyon. So masakit not only to my brother but also to our family. But then that’s how life is eh. Merong pangyayari na hindi natin maiiwasan. So wala, you just have to accept it and move on. May communication ba kami with her? Wala, naputol na talaga,” she said without any trace of bitterness.

Buti naman at nakamove on na ang lahat sa nangyaring John Pratts-Shaina hiwalayan blues.

Dapat lang naman no!

Walang kuwenta kung hanggang ngayon e magmumukmok pa rin si John Pratts at may bitterness sa heart ng family nito.

Ano sa tingin nyo, bagay ba sina John Pratts at Rachelle Ann Go?

The dancer and the singer... hmmnn.... pwede!

1 comment:

  1. "Daig talaga ng maarte ang maganda."

    Ang gaganda ng mga exes ni John. pero si Rachel hindi kagandahan pero talbog sila sa kaartehan.

    -By Inggiteras and WalangMagawas

    ReplyDelete