Chapter Four
“The Kapit-Bisig Foundation was instituted 15 years ago for the benefit of the poor. It has been in the frontline services like health program, livelihood and scholarship program for the poor but deserving students.” Ito ang paliwanag ng coordinator ng Foundation na si Mrs. Ancheta sa mga dumalo na halos dalawang daang estudyante na pumasa sa scholarship examination na sponsor ng nasabing Foundation.
Bukas ang Foundation sa anumang courses na pipiliin ng scholar depende sa kakayahan nito at score sa examination. Merong technical o vocational courses, may Engineering, Liberal Arts, Computer Science, Business Course at Education.
“All scholars are required to report to this office and submit their status reports to determine whether they are still qualified for the next term or semester. Failure to comply shall mean termination of the grant.” Dugtong ni Mrs. Ancheta sa mga scholars na pumipirma ng kontrata.
“Miss anong course ang pinili mo?” tanong ni Andrew sa katabing si Tanya na patuloy pa rin sa pag fill-up ng scholarship contract.
“Business Administration” sagot nito na halos hindi man lang tiningnan ang nagtanong.
“Ah, ako ganun din, ako nga pala si Andrew, Ikaw si....?”
“ Tanya, Tanya Salazar.”
“Ang ganda mo naman Tanya.”
“Mas maganda kung tatapusin mo na yang ginagawa mo at para di mo rin ako naiistorbo.”
“Abah ang taray ng lola.”napapailing si Andrew sa pagsusuplada ni Tanya.
“Ems! Ems! Pumirma na ako ng kontrata!” masayang pagbabalita ni Tanya sa kaibigan.
“Buti ka pa nakapasa sa scholarship ako yata mabuburo sa pangunguha ng kangkong, pero di bale mag eenrol daw ako ng hair science sabi ni Tita yun daw ang patok ngayon eh.”
“Okey lang yun Ems , ang mahalaga kahit papano meron kang skill kesa naman naka tambay ka lang sa daang riles at mag pa cute kay Menandro.” Nagkatawanan ang magkaibigan.
“Hindi noh! Sya kaya ang nag-papacute..”
“Lintik Romulo! anong makukuha mo sa pag pupulis? Andami daming mga pulis dyan kumakalam ang sikmura dahil sa kakarampot na sweldo tapos gagaya ka pa!” halos tamaan si Remoh ng mga mumo ng kanin na lumalabas sa bibig ni Mang Dante habang sinisermonan nito ang anak.
“Eh itay marami rin naman po ang nagtatagumpay na mga pulis at umaasenso sa buhay.”
“Kelan? Pag patay na? sasabitan ng medalya kung kelan may bulak na sa ilong? Ganun ba ang gusto mo? O gusto mo ng nilalagyan ng isang daang piso ng mga gunggong na tsuper ng jeep na huhulihin mo?”
“Naka-pag desisyon na po ako itay.” Sagot ni Remoh sa sermon ng ama habang patuloy lang ito sa pagkain ng hapunan.
“Hayaan mo na Dante ang anak mo sa kursong gusto nya malay mo dun sya sasaya at aasenso.” Sabat ni Aling Rosa sa mag-ama.
“Sa ayaw at sa gusto mo Romulo mag iinhenyero ka! Itaga mo yan sa bato at ipupukpok ko ang pinakamamahal kong martilyo sa ulo mo.”
At hindi nga napigilan si Romulo. Nag-enrol ito upang kumuha ng kursong criminology kahit pa labag sa kalooban ng ama niya.
“Attention! Rules and regulations are all written in the student manual and the general orders are posted in the front lobby for you to read on. Violation of the rules shall be dealt with accordingly and if grave offense is committed you are automatically kick out in the Academy. Is that understood!?”
“Sir yes Sir!” sagot ng mga kadete na parang matitigas na tuod sa pagkakatayo. Ga-mungo na ang mga pawis ni Remoh na isa sa mga bagong kadete ng National Police Academy.
Malawak ang nasasakupan ng Academy at kumpleto ito sa pasilidad na magsasanay para sa mga nangangarap maging police officer. Ang halos dalawang daan na pumasok ay nagiging limampu na lang pagdating ng graduation dahil sa pagsuko ng karamihan dahil sa bigat ng training. Ang iba naman ay bumabagsak sa academics.
Nakahiga na sa kama si Remoh. Malamig ang simoy na pumapasok sa barracks na tinutuluyan nila ngunit pabali-balikwas lang ito sa pagkakahiga. Para syang nakasakay sa isang motorsiklo na walang silencer dahil sa lakas ng hilik ng ibang mga kasama na nasa kanya-kanyang higaan.
“Kumusta na kaya sila Itay at Inay? Alam ko galit pa rin sakin si Itay dahil sa pag-suway ko sa gusto nya, pero di bale papatunayan ko na tama ang desisyon ko.”
“Like many broader ethical systems, journalism ethics include the principle of limitation of harm. This often involves the withholding of certain details from reports such as the names of minor children, crime victims' names or information not materially related to particular news reports release of which might, for example, harm someone's reputation.”
Ito ang lecture ni Professor Aranas sa isang subject na Journalism ethics. Kilala si professor Aranas sa mga estudyante nya sa A.B. journalism na terror at walang pakundangan kung magsalita.
Halos hindi makatingin si Toni sa naglelecture na professor gusto nyang lumipat ng upuan ngunit di nya magawa, nasa unahang bahagi sya ng klase. Sa sobrang pagsasalita, gumigilid ang laway ng professor sa tabi ng kanyang bibig na nagiging parang kulay puting keso at hindi rin magawang punahin ng mga estudyante dahil sa takot dito.
“Why are you so silent? Im afraid you are not listening or you are not interested in this subject! You keep on bowing your heads as if para kayong mga tupang di makabali ng puno ng kamatis sa sobrang babait! Ano bang gusto nyo ha?”
“Sir payong po.” Sagot ng isang lalaking estudyante na halatang pilyo ang ngiti.
“Why the hell you need an umbrella?”
“Sir, pang proteksyon sa talsik ng laway nyo.”
Hindi na napigilan ng mga estudyante ang kanina pa kinikimkim na pagtawa na nauwi sa malakas na tawanan.
“Class dismissed!!
“Sir, are we going to meet next week?” tanong ng isang estudyante.
Papauwi na si Toni ay di pa rin nya makalimutan ang mga tagpo sa school natatawa pa rin sya sa mga kalokohan ng kanyang mga ka klase. A.B. Journalism ang kinukuhang kurso ni Toni at gusto nyang pasukin ang investigative journalism kapag nakatapos sya. Tutol ang ama ni Toni dito ngaunit wala syang magawa sa gusto ng anak.
“Sweetheart I want you to follow my footsteps, papano ang mga negosyo natin, ang ating political status. Journalism is a dirty work and there’s no money in it.” Sermon ni Congressman Montemayor sa anak.
“Dad, there’s no such thing as clean work, and I am not after for the money basta dad I’l follow my heart and my heart has clear perspective and I know where to go and what my purpose is.”
“Bahala ka Antonette siguraduhin mo lang na masaya ka sa ginagawa mo.” Ipinagpatuloy na lang ni Congressman ang pag-aalmusal na hindi na tumitingin sa anak habang kumakain.
“I’m happy dad.”
No comments:
Post a Comment