Monday, August 8, 2011

Tagalog Novel: Illusive Hearts by Starblaze


Chapter Five

“Hi, going home?” tanong ni Andrew kay Tanya na halatang kanina pa sya sinusundan palabas ng eskwelahan.
“Yep,” maikling sagot nito na hindi man lang nilingon ang lalaki.
“Sabay na ko ha.”
“Kanina ka pa sumasabay ah.”

“I mean sabay na ko pauwi.”
“Iba naman inuuwiaan ko sa inuuwian mo ah.”
“Ihahatid na kita.” Pangungulit ni Andrew.
“Kaya ko umuwi ng mag-isa.”
“Syempre mas masarap umuwi ng may kasabay at may kakwentuhan diba?”
“Di ko kailangan ng ka kwentuhan at lumaki akong mag-isa kaya di ko kailangan ng kasama.”
“Okey fine! Ingat na lang! Babagsak ka rin sa mga kamay ko Tanya tandaan mo yan!” See you tomorrow!”
“Okey, thank you.”
Malalim na ang gabi ng dumating si Tanya sa lugar nila sa Bisig Tramo sa daang riles. Madilim ang eskinita papasok sa kanilang bahay dahil ninakaw na ang mga bumbilya sa streetlights ang mga bahay naman sa daanan ay mga walang ilaw dahil sa pagkakaputol ng ilaw dahil sa hindi nakakabayad.
Mabilis ang paglalakad ni Tanya. Pinaghalong gutom at takot ang nararamdaman nya. Tanging mga asong gala ang makikita sa daan at mga naglalakihang mga daga na nagpapasasa sa mga nakatiwangwang na basura.
“Tanya.”
Napalingon si Tanya sa pinanggagalingan ng boses. ‘Bakit po?
‘Wala naman, gabing-gabi na ah, hindi ka ba nagpapasundo kay Pareng Manolo?’ tanong ni Mang Taga kay Tanya.
‘Baka po lasing na naman yun, nakakapag-isa naman po ako eh.”
“Mag-ingat ka maraming masasamang loob dito sa lugar natin. Kahapon lang nakitang nakalutang sa kangkongan ang anak ni Mareng Carmen ginahasa daw bago pinatay.”
Lalong natakot si Tanya sa narinig at naramdaman nyang nanginig ang kanyang mga tuhod sa pinaghalong takot at gutom.
“Salamat po sa paalala , sige po tutuloy na po ako.”
“Sige hija, ingat maganda ka pa naman.”
Mabilis siyang nakarating sa bahay nila. Naratnan niya ang ama na nakahiga sa papag.
“Itay kumain na po ba kayo?” tanong ni Tanya sa ama na nakahiga sa papag na yari sa kawayan.
“Hindi pa wala naman kasing pagkain dyan.”
“Bakit po hindi kayo nagluto itay may bigas naman dyan.”
“Wala akong pambili ng ulam anak.”
“Kaya po bote ng alak ang binili nyo? Itay wag nyo naman pong laging asahan ang allowance ko sa scholarship ko ginagamit ko din po yun sa pang-araw-araw ng gastusin ko sa eskwelahan.”
“Hindi naman ako nanghihingi sayo ah! Bulyaw ng ama kay Tanya.
“Itay hindi naman po sa ganun itay ang sa akin lang naman po dapat po may initiative din kayo na humanap ng paraan para makakain tayo.”
“Lintik na inisatib yan! Hindi porke kolehiyo ka na eh dadaan daanin mo na lang ako sa pa englis englis mo! Eh sa walang tumanggap sa trabaho ko may magagawa ba ako?”
Napabuntunghinga na lang si Tanya sa mga rason ng ama. “Sige po bibili na lang ako ng noodles dyan sa tindahan nila Aling Norma.”
“Buti pa!”
Muling sinuong ni Tanya ang madilim na eskinita papunta sa tindahan nila Aling Norma. Nanaig na naman ang takot na naramdaman nya kanina habang papauwi sya.
Wala syang makitang ano mang ilaw mula sa mga kabahayan marahil ay nagpapatay sila ng ilaw sa gabi dahil sa pagtitipid sa kuryente. Lalong kinabahan si Tanya sa narinig na ungol mula sa isang bakanteng madilim na barong-barong. Gusto nyang tumakbo ngunit parang nabubosesan nya ang ungol at pamilyar sa kanya ang boses ng babae kahit puro ungol lang ito at hindi nagsasalita.
Sumilip sya sa butas butas na dingding ng barong-barong. Kung kilala man nya ang babae at nanghihingalo na ito sa kamatayan ay maaari pa nyang matulungan ito kahit papano. Nagulat si Tanya sa nasaksihan hindi nya malaman kung sisigaw o tatakbo. Hindi sya makapaniwala sa nasaksihan.
Si Menandro at si Emily. Nakakuyapit si Ems sa leeg ni Menandro habang nakasandal ang babae sa haligi ng sira-sirang barong-barong. Parehas walang mga saplot at kitang kita sa silay ng liwanag na tumatagos sa mga butas ng dingding mula sa buwang natatakpan ng bahagyang ulap ang ginagawa ng dalawa.
Hindi alam ni Tanya kung pinahihirapan si Ems ni Menandro dahil tirik na tirik ang mga mata nito sa ginagawa ng lalaki. Walang dumadaang tren ngunit gumagalaw na parang nililindol ang barong-barong, mabilis ang galaw, pabilis ng pabilis hanggang sa dahan dahan itong huminto. Huminto na rin ang pag-ungol ni Ems ngunit nakayakap pa ito kay Menandro. Parang kagagaling lang nila sa pag-akyat sa isang napaka tarik na bundok pagod na pagod ngunit kita ni Tanya ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
‘Nahirapan nga ba sila ? tanong ni Tanya sa sarili.

Papasok na sa eskwelahan kinabukasan si Tanya ng batiin ito ni emily ng mapadaan sa tapat ng kanilang bahay.
‘Hi Tanya! Kamusta ka na mare?”
“Hi Ems, ok lang ako kahit laging pagod at puyat sa pag-aaral.”
“Buti ka pa nga mare, nakakapag-aral ka samantalang ako mabuburo na lang yata ako dito sa daang riles na walang asenso.”
“At least lagi mo naman nakikita si Menandro at nagkakasama pa kayo, kamusta na nga pala kayo nun?”
“Hay naku Tanya, sunod nga sya ng sunod sakin di ko sya pinapansin eh. Akala naman nya porke nagtatrabaho na sya sa pabrika eh papatulan ko na sya. Maglaway sya sakin mare di nya ko matitikman basta basta.
“Ganun ba mare, dami mo sinabi nagtatanong lang naman ako.”
Para lang malinaw Tanya.  Nagkatawanan ang dalawa.
“Oo nga Ems, malinaw na malinaw, mas malinaw sa sikat ng buwan tulad nung nakaraang gabi.”

Maingat na isinara ni Remoh ang libro tungkol sa intelligence science, masyado nyang tinututukan ang major subject na ito gusto nyang mag focus sa intelligence service ng police pag nakatapos sya.
Matagal na nyang pangarap ang ganitong klase ng trabaho magmula ng nakakapanood sya sa sine na may kaugnayan sa police intelligence at mga bidang detectives mula sa pangungupit nya sa bulsa ni Mang Dante para makapanood ng sine.  Pagod na ang kanyang mga mata sa pagbabasa kaya nahiga na lang sya at tumitig sa kisame ng barracks.
“Kumusta na kaya ang daang riles? Kumusta na kaya sila inay at itay? Si Tanya kaya kumusta na kaya sya?”
Ayaw man nyang isipin si Tanya pilit pa ring sumasagi sa isip nya ang babaeng yun na naging kasabay nya sa paglaki sa daang riles, kakulitan, kaaway, bahagi ng kanyang buhay.
Papano ba nya makakalimutan ang maamong mukha ni Tanya, ang bilugang mga mata nito, mahabang biyas na hita na kahit minsan puro alikabok ay makinis naman, si Tanya na reyna ng kangkungan.
Ang anak ni Mrs. Torres kamusta na kaya?” Si Sammy na naging laman ng kanyang isip na nagpapainit sa ilang nagdaang gabing malamig. Nakatulugan na ni Remoh ang ganoong mga iniisip.
Bigla niyang na miss ang lugar nila kaya madali siyang nakapagpasya. Nagfile siya ng leave kinabukasan.
 “Sir, i want to file a leave of absence just for two weeks.”  Paalam ni Remoh sa training officer.
“What? Kung kelan rigid na ang training, papano ang academics mo?”
“Sir, two weeks lang naman.”
“No! if you take the leave, you better quit!”
“Sir, may sakit ang tatay ko at madali na ang kanyang buhay, naghihingalo na daw sya sabi po ng nanay ko.” Napilitan rin itong payagan siyang makapg leave.
Halos tatlong oras din ang byahe ni Remoh pauwi sa kanila halos mahigit dalawang taon din syang hindi nakikita ang mga magulang at ang tatlong oras ay katumbas ng tatlong dekada sa pagkainip at pangungulila ni Remoh.
“Wala pa ring pagbabago sa Bisig Tramo, tambak pa rin ang mga tambay sa riles.” Napapailing na lang si Remoh sa kalagayan ng kanilang lugar.
“Inay!”
Halos mabitiwan ni Aling Rosa ang nililinisang bigas na nasa bilao sa pagkagulat sa biglang pag-uwi ng anak.
“Remoh anak! Diyos ko salamat naman at umuwi ka. Naku matutuwa ang tatay mo.”
“Asan po si Itay, kamusta po sya? ”.
‘Naku ang itay mo malakas pa yata sa kalabaw parang walang kapaguran anak ibinuhos na yata sa trabaho ang sama ng loob sayo, laging abala sa trabaho ang tatay mong yun, may pinagagawa kasing apartment si Mrs. Torres at isa sya sa mga kinuhang karpintero dito sa lugar natin.
‘Ganun po ba inay.” Palinga-linga si Remoh sa kabahayan sa loob ng mahigit dalawang taon parang walang nagbago sa bahay na yun ganun pa rin ang pagkaka-ayos mula ng iwanan nya. Ang nabago lang yata ay ang kulungan ng mga itik dahil may laman na ito ngayon. Ang dating binabahayan ng lamok na hinating gulong ay may laman ng pagkain ng itik.
“Kamusta po dito sa lugar natin inay.”
“Naku ganun pa rin anak walang pagbabago, yung anak ni pareng Kanor na si Lilibeth nagtanan na, yung anak ni Kumareng Senya na nagtutulak ng droga nahuli na anak, yung anak naman ni Aling Carmen…
“Si Tanya inay kamusta po?” pagputol ni Remoh sa sunod sunod na pagbabalita ng ina sa mga taong hindi naman sya interesado.
“Naku anak napakaswerte ng batang yun, abay nakapasa sa scholarship at may allowance pa anak kaya nga tuwang tuwa ang lasenggong ama dahil sustentado sya sa allowance ng anak kaya nga ayaw na mag trabaho ng batugan.”
“Anong oras po sya dumarating inay?”
“Naku lagi lang andun sa bahay nila at naglalasing si Manolo.”
“Hindi po si Tanya po.”
“Ah, mga alas dyes siguro ng gabi anak.”

“Psst! Psst! Sexy!”
Parang walang naririnig si Tanya at hindi man lang lumilingon sa sumusutsot sa kanya. Nakaramdam na naman sya ng takot. Kung hindi nga lang dahil sa ama ay pipiliin na lang sana nyang mag bed spacer sa malapit sa school nila kesa sa umuwi ng ganitong oras ng gabi.
“Pssst!”
Lalong bumilis ang hakbang ni Tanya, pakiramdam nya ay may sumusunod sa kanya. Nang hawakan sya sa balikat ng lalaking sumusutsot ay nanlaban na sya.
“Walang hiya ka! Hindi mo makukuha ang gusto mo!” sabay hampas dito ng dala-dala nyang hard bound na libro.
“Ano ka ba wala akong gusto sayo kapal mo!”
“Remoh!” nanlalaki ang mga mata ni Tanya sa gulat at bigla syang napayakap dito. Nagulat din si Remoh sa pagkakayakap sa kanya ni Tanya may kakaibang init ito, nakakadarang.
“Sorry” nahihiyang bumitaw ang dalaga na noon lang napagtanto ang reaction nya.
“Okey lang tagalan mo pa.”
“Gago!” at nagkatawanan ang dalawa.
“Ginulat mo ko salbahe ka talaga.”
“Oo nga ibang klase ka pala magulat sakit ng libro mo ha, pero okey lang masarap naman ang yakap mo eh.”
“Ah ganun? O heto.” Sabay kurot ni Tanya sa tagiliran ni Remoh.
‘Aray!
‘Hoy ! ang iingay nyo magpatulog kayo! Sigaw sa kanila ng kalapit na barong barong.
“Ayan kasi ang ingay natin.” Pabulong na sabi ni Tanya kay Remoh.
“Hatid na kita Ms. Scholar ng bayan.”
“Ha? Pano mo nalaman?”
“May naitatago ba dito sa lugar natin?”
“Sabagay.”

Hindi na nakatulog si Remoh ng gabing yun ayaw sya dalawin ng antok ang tagpo nilang dalawa kanina ni Tanya ang dumadalaw sa isip nya. Bakit ba ayaw matanggal sa isip nya yun wala naman syang gusto kay Tanya kahit nung mga bata pa lang sila. Yun ang sabi ng utak nya, pero hindi ang kanyang puso.
            Tinanghali siya ng gising.
“Tamang tama Romulo samahan mo ko mamaya sa bahay nila Mrs. Torres sa Ayala Alabang para may taga bitbit ako ng mga plano ng apartment na ginagawa namin.”
“Eh itay magaan lang naman yun ah.”
“Nagrereklamo ka ba anak?”
Napalingon si Remoh sa ina alam nya lumalambot na ang kalooban ng ama at natatanggap na nito na hindi na sya magiging isang inhenyero kundi isang batikang pulis. Tumango ang ina sa pagsang-ayon.
“Sige po itay sasamahan ko kayo.”
Noon din ay umalis siya at pumunta sa bahay nila Mrs. Torres.
“Magandang umaga po Mrs. Torres bale heto na po ang mga plano na pinabibigay ni engineer para po sa pinapatayo nyong apartment.”
“Naku salamat Mang Dante pakilagay na lang po dyan sa center table at pahahatiran ko po kayo ng meryenda kay Isabel.”
“Wag na po kayong mag-abala kumain na po kami sa bahay kanina di ba anak? O asan ang batang yun.”
“Yung anak nyo po bang binata ang tinutukoy nyo? Parang nakita ko sya kanina naglalakad lakad sa may garden.”
Ang tinamaan di man lang nagpaalam.”

“Hi! You’re Mang Dante’s son right? Tanong ni Samantha sa nagulat na si Remoh na naglalakad lakad sa garden. Malawak ang garden nila Mrs. Torres para na nga itong mini forest park sa laki bukod pa sa malawak na swimming pool sa tabi nito.
‘Ay opo, ako nga po.’
“Remember me?” muling tanong ni Samantha.
“Abay syempre po.” “Sino namang makakalimot sa gabi-gabing pag-pangarap ko sa inyo na kayo ang laman ng malamig kong gabi.”
Lalong naging kaakit-akit sa tingin ni Remoh si Samantha, mas lalong naging bilugan ang mga hita nito at lalong gumanda ang hubog na katawan.
“Remoh po.” Sabay abot ni Remoh ng kanyang kamay para makipag kamay kay Samantha.
“Sa isang kundisyon.”
“Ano po yun?”
“Tigilan mo na ang pag tawag sakin ng opo.”
“Aba sige po, ala pong problema.”
“And i want it now!”
“Yes madam.”
“Eninglish mo lang eh.”
Nagkatawanan ang dalawa.
Papalayo na si Remoh ngunit di pa rin inaalis ni Samantha ang pagkakatingin dito. Kaakit-akit ang kakisigan nito.
Ang kulay kayumanggi ay bumagay sa taas nito at sa matipunong pangangatawan na lalong pinahubog ng training nito sa Police Academy. Nahirapan si Samantha na matulog ng gabing iyon.
Masisira ang branded ginseng sa lakas ni Remoh as brain stimulant.

No comments:

Post a Comment