Chapter One
“We have just landed at the Ninoy Aquino International Airport , please remain seated and seatbelt on. On behalf of Pilot Smith in command of the aircraft and co-pilots, John and Tommy again, thank you for flying the NorthEast Airlines we hope to see you again in one of our flights.” Ito ang announcement ng flight announcer sa mga pasahero ng kalalapag na eroplano na galing London .
Sa labas ng airport ay naghihintay ang isang S600 na mercedez benz na sumundo kila Antonette at ina nito na si Mrs. Gemma Montemayor. May pagka mestisahin si Mrs. Montemayor at sa edad nito na kuarenta y dos ay mapagkakamalang bente otso lang ito sa itsura.
Si Mrs. Montemayor ay asawa ni Congressman Jose Montemayor. Isang kilalang batikang pulitiko. Nakakatatlong termino na ito ay hindi pa rin natatalo. Kilala kasi ito na isang mabait at mapagkalingang congressman sa kanilang distrito bukod sa likas na mayaman subalit hindi mahirap lapitan.
May hacienda rin ito sa Nueva Ecija at malaking Rancho sa Masbate . Meron din itong plantasyon ng mangga sa Guimaras at Iloilo bukod sa negosyo na shipping lines at mga financial institutions.
Kapag may mga kalamidad ay laging nangunguna si Congressman sa pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayan at personal syang namumudmod ng mga relief goods. Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ito ay isa lang political propaganda ngunit sa kanyang mga kababayan ano man ang tawag dito ang mahalaga ay nakakatulong ito.
“How’s the trip sweetheart? Ang bati ni Congressman sa asawa nito.
“Quite tiring honey, but it is just alright. How are you?”
“Heto busy pa rin sa pamumudmod ng mga relief goods sa mga binaha nating mga kababayan.”
“How’s my baby? How do you find London anak? Balita ko naikot nyo raw ang buong Europe ah?”
“Okey lang po daddy, ayoko ng pumunta uli dun.”
“Ha? Bakit naman eh doon pa naman sana kita pag-aaralin pag dating mo ng kolehiyo.”
“Pang poster at pang post card lang ang lugar na yun dad, pang fairy tale para lang syang isang pangarap at ayaw kong mabuhay sa pangarap daddy, gusto ko yung totoo.”
“Kelan ka pa naging makata hija yan ba ang epekto ng Europe ? Aba’y tatlong lingo lang kayo dun ah?” natatawang tanong ng Ama kay Antonette habang hinahaplos ito sa buhok. “Oh sya magpahinga ka na muna Ms. Reality.” Biro nito sa anak.
Imbis na magpahinga ay inikot na lang ni Toni ang kanilang malawak na bakuran. Napapalibutan ito ng mataas na pader at meron pang mga pinagdikit-dikit na yantok sa itaas ng pader.
Sa gawing harap ay naroon ang sari saring mga bulaklak at orchids na galing pa sa ibat-ibang bansa. Collection ito ng kanyang ina. Sa gawing likuran ng bahay ay mayroong man-made waterfalls at ang tubig na dumadaloy dito ay dumederetso sa swimming pool.
Kalapit ng waterfalls ay ang mini butterfly farm. Naroon ang mga nag gagandahang mga paruparo malalaki at maliliit. Isa ito sa mga attraction kapag may mga bisita ang kanilang pamilya.
Nangingitngit si Toni sa tuwing makikita nya ang mataas na pader bukod kasi sa mga security guards na nagbabantay ay pakiramdam nya ay nakahiwalay sila sa mundo. Hindi nya makita ang labas kung hindi sya lalabas ng kanilang gate na yari sa solidong bakal.
Naupo na lang sya sa folding chair na nakaharap sa malawak na swimming pool. Pinagmamasdan ni Toni ang tubig, tahimik pero malalim, sing lalim ng kanyang iniisip ng mga oras na iyon. Ang kulay asul na tubig ay tila nag-aanyaya. Pumikit si Toni para syang hinihila ng kanyang mga mata ngunit ayaw matulog ng kanyang diwa.
Nagsasawa na sya sa karangyaan, hindi na alam kung ano nga ba ang lasa ng masarap na pagkain, kung ano nga ba ang hitsura ng malambot na higaan at kung ano ang pakiramdam ng naglalakad sa init ng araw.
Mahirap magkumpara ng isang bagay na hindi pa nya nararanasan. Dumilat si Toni ayaw nya matulog.
Ang kulay asul na tubig sa swimming pool ay naging kulay pula, pulang pula sing kulay ng dugo, malapot at malansa.
“Dugo! Dugoo! Help!!” Gustong tumakbo ni Toni ngunit tila nakapako ang kanyang mga paa. Lumilikha ng maliliit na alon ang malakas na hangin nakakahilakbot ang ingay na nililikha nito para syang lalamunin. “Help!”
“Ma’m, gising po ma’m gising!” boses ng isa sa tatlong security guards na tarantang gumigising kay Toni.
“What’s wrong?” ang tanong ng ama ni Toni na humahangos sa pagtakbo sa
kinaroroonan ng anak kasunod nito si Mrs. Montemayor.
“Sir, si Ma’m Toni po nananaginip!”
“Dad the pool is filled with blood! Nanginginig pa rin sa takot si Toni habang umiiyak ito.
“What!? Look at the pool hija it is just plain blue water and so calm, what are you talking about?”
“Yes sweetheart there’s no blood, c’mon let’s get inside the house okey?” dugtong ni Mrs. Montemayor habang yakap ang anak.
Muling lumingon si Toni sa swimming pool, walang bahid ng dugo, wala na rin ang amoy malansa at matingkad na kulay pulang malapot. Tahimik rin ang tubig kulay asul nag-aanyaya na parang kaysarap maligo at magpalutang lutang dito.
“It was just a dream sweetheart. Take a shower and we will go out we will dine in a finest Korean restaurant in Makati .”
“Hwanyeong!”
“Annyeonghaseyo..”
“Fried dumpling and egg-drop soup please. Agu- tang soup and O-sam bulgogi for the main, How about you honey?”
“Spicy Dungeness and Kimchi will do for me honey.” Sagot ni Mrs. Montemayor habang naka sandal ito kay Congressman.
“How about you sweetheart? Mukhang nabasa mo na from cover to cover ang menu eh wala ka pa rin napili.”
“Meron ba kayong pritong butiki?” ang walang gatol na tanong nito sa waiter.
“What!!” halos sabay na halatang gulat na tanong ng mag-asawa sa anak.
“Hija don’t mention words like that we are about to eat na.”
“Sige, lugaw with twalya ng baka na lang”
“Ma’m this is Korean restaurant and I’m afraid we don’t have that stuff here.” Sagot ng waiter kay Toni na halatang naiirita na.
“Sweetheart…sige ako nalang ang oorder para sayo ha? Leave it to me darling.”
“No mommy, I just want bottled water.”
“We have Aquafina and Perrier madam.”
“Whatever.”sagot ni Toni.
Masayang nagkukwentuhan si Congressman at si Mrs. Montemayor habang kumakain. Bakas na bakas ang sweetness ni Congressman sa asawa nito palibhasa ay mukha pa itong bata at sariwa at kahit doseng taon ang tanda ni Congressman dito ay alam ni Toni na mahal na mahal ito ng kanyang ina.
“What is your plan in the coming election honey? Will you be running for a higher office? Pang third term mo na ito diba and you are no longer qualified for reelection honey.”
“Yeah, im considering the bid for senatorial line up under the ticket of Senator Sandoval. He will be running for president honey at alam ko malakas ang aming partido. Kaya nga ngayon pa lang ay nagpapabango na ako sa mga botante. Bukas ay mamamahagi na naman kami ng mga relief goods at bubuksan na rin natin ang ating foundation para sa scholarship program ngayong pasukan.”
“That’s a nice idea honey, I will use my connection again for you honey.”
“Thanks honey I count on you.”
“Sa isang kundisyon.”
“Sabihin mo honey gagawin ko para sayo.”
Bumulong si Mrs. Montemayor kay Congressman.
“You naughty bitch!” ang sagot nito sa bulong ng asawa sabay tawa ng malakas si Congressman. Sige honey we will do it in front of camera.
Hindi maunawaan ni Toni ang pinag-uusapan ng mga magulang at nakakaramdam sya ng pag ka out of place. Tahimik lang si Toni hanggang sa pag-uwi hindi pa rin maalis sa isip nya ang nangyari kaninang umaga sa swimming pool.
No comments:
Post a Comment