Chapter Three
“Remoh, anak tulungan mo muna ako sa pag-aanluwagi sa bahay ni Mrs. Torres para maka-ipon tayo ng pang matrikula mo at pambili ng gamit mo sa pasukan at para matutunan mo rin ang mga tamang sukat ng mga tabas sa kahoy at tamang timpla ng semento para pag inhenyero ka na madali na lang ang ganitong trabaho para sayo anak.” Nag-iimpake si Mang Dante ng mga gamit para sa pag kakarpintero habang kinakausap nito ang nag-aalmusal na anak na si Remoh.
“Mag-alamusal na lang po muna kayo itay kasi masyado pong mataas ang pangarap nyo para sa akin.”
“Gusto ko talaga anak ay yung pinaka mataas na kurso ang kunin mo pagdating mo sa kolehiyo.”
“Sige po itay mag pipiloto ako ng eroplano, siguradong mataas na kurso yun.”
“Hunghang! Wag mo nga akong pini pilosopo Romulo!”
“Eh Itay naman kasi po 3rd year high school pa lang po ako sa pasukan kaya po wag po muna nating isipin yun. At ayoko maging inhenyero!
“Sige po Mang Dante bahala na po muna kayo dyan at papasok na po muna ako sa opisina, kung gusto nyo pong magkape pumunta na lang po kayo sa kitchen o kaya tawagin nyo na lang po ang aming katulong na si Isabel.”
“Salamat po Mrs. Torres pero wag nyo po kaming alalahanin kasama ko nga po pala ang anak ko na si Remoh para mapadali ang pag rerepair ng inyong balkonahe.”
“Okey po Mang Dante, sige po bahala na muna kayo dyan.”
“Sige po Mrs. Torres”
“Anak abutan mo nga ako ng dos por dos na kahoy.”
“Asan po itay?”
“Umikot ka anak dun sa likod ng bahay andun sa may gilid ng swimming pool doon mga nakatambak ang mga kahoy.”
“Ang layo naman nun Itay.”
“Nagrereklamo ka ba Romulo?”
“Hindi po”
“Hala, sulong!”
“Hey are you blind? You are not the only people on earth idiot!” Si Samantha, nag-iisang anak ni Mrs. Torres. Naka two-piece ito na papunta sa swimming pool. Bulag ang hindi makakapansin kay Samantha sa seksing suot nito na kulay blue na two-piece bikini at hindi lingid yun kay Remoh na kahit naka yuko ay halatang naka sulyap sa dalagita ni Mrs. Torres.
“Mam sorry po di ko napansin.” Pero po kapansin-pansin kayo.
“Tumingin ka kasi sa daraanan mo muntik mo na akong matamaan ng kahoy mo eh.”
“Sorry po uli.”
“Sorry ka dyan, sya sige layas ka na isama mo na yang mga kahoy mo!”
“Impaktang to akala mo kung sino malunod ka sana.”
Bubulong-bulong siya habang dala-dala ang kahoy pabalik sa ama.
“Anak ang tagal mo naman, ilang kilometro ba ang nilakad mo? O sinapian ka na naman ni Juan Tamad?” Ang sabi ni Mang Dante habang naglalagare ng mga retaso ng kahoy.
“Ang bigat po kasi itay eh.”
“Anak hindi pa yan ang bigat na papasanin mo sa buhay mo, mabigat anak, mas mabigat at sa kalagayan natin kailangan mong kayanin.”
“Help! Help!” Nagulantang silang mag-ama sa sigaw na iyon.
“Mang Dante! Mang Dante! Si Samantha po! Sigaw ni Isabel ang katulong nila Mrs. Torres.
“Ano kay Samantha? Tugon ng nabiglang si Mang Dante.
“Nalulunod po tulungan nyo!”
“Anak tulungan mo may rayuma ako baka di ako makalangoy.” Baling nito sa anak.
“Sige itay ako na bahala.” Sabay takbo ni Remoh sa swimming pool na kinaroroonan ni Samantha.
Nahawakan ni Remo sa buhok ang papalubog ng si Samantha. Malalim ang swimming pool nasa seven feet ito kaya nahirapan si Remoh na maitabi ang nagpupumiglas at nangunguyapit na si Samantha. Iginapos ni Remoh sa mga bisig nya ang dalawang kamay nito at saka inilangoy papunta sa gilid ng swimming pool.
“Ouch! Babalian mo ba ako?
“Hindi po ang likot nyo eh kung di ko hahawakan dalawang kamay nyo parehas tayo malulunod.”
Nanguyapit si Remoh sa gilid ng pool habang inilalangoy pa rin si Samantha patungo sa pool hand rail.
“Mam akyat na po kayo.”
“Bitawan mo ang bewang ko!”
“Anyway, thank you so much you saved my life.”ang sabi ni Samantha kay Remoh habang naka upo na ito sa gilid ng pool.
“Okey lang po yun. Maaga lang talaga ang karma.”
“What!”
“Wala po.”
Nang gabing yun di makalimutan ni Remoh ang mga pangyayari pabali-balikwas sya sa higaaan. Di maalis sa isip nya si Samantha ang mataray na si Samantha, ang mala porselanang kutis nito, ang hugis puso nitong mga labi, ang magandang si Samantha.
Hindi rin matanggal sa isip ni Remoh ang suot nito na two-piece at naglalaro rin sa isip nya kung ano ang hitsura ng natatakpan nito. Malamig na ang gabi na sinasabayan ng hanging nagmumula sa Laguna de Bay sa likuran ng bahay nila Remoh subalit mainit ang kanyang pakiramdam. Gumalaw ang kamay ni Remoh, marahan, hanggang sa bumilis, pabilis ng pabilis. Kay sarap matulog na magaan ang pakiramdam.
“Tanya, dalawang linggo na lang pasukan na sasabay ka ba sakin mamili ng mga gamit?” tanong ni Emily kay Tanya habang naglalaro ito ng kara y cross kasama ang ibang kabataang lalaki.
“Bahala na Ems tingnan ko muna ang laman ng bangko ko.” Ang tinutukoy na bangko ni Tanya ay ang alkansyang kawayan na hinuhulugan nya ng sobra sa napagbintahan nya ng kangkong. “At saka wag ka muna magulo baka malasin ako eh”
“Talagang mamalasin ka! Tingnan mo nga hitsura mo eh kita na yang kaluluwa mo nakapalda ka pa eh yang mga kasugal mo puro patay malisya lang naman pero tingnan mo nga enjoy na enjoy naman ang mga gago!”
“Hoy Emily kala mo samin manyakis?! Paismid na sagot ni Menandro.
“At nagsalita ang hindi manyakis eh nahuli ka nga ni Mang Estong na nambubuso kay Aling Sabrina.”
“Abat---akmang babatukan ni Menandro si Emily ng sikwatin ito ni Tanya sa tagiliran.
“Sige Menandro subukan mong kantiin ang kaibigan ko dipa yan ang aabutin mo, tusukin ko yang mata mo makita mo dyan. Kaya ka natatalo panay ang sulyap mo sa hita ko kanina pa eh.
“Neknek mo! Eh puro naman lumot ang mga hita mo noh!” sagot ni Menandro.
“Lumot ha—eto ba? Sabay taas ni Tanya ng palda nya hanggang singit. Nanlaki ang mga mata ni Menandro at ng iba pang kabataang lalaki na kalaro ni Tanya.
Malakas ang tawanan ni Emily at Tanya habang papunta sa bahay nila Tanya.
“Tanyang ina ka talaga! Ang lakas ng loob mo mare na ipakita ang mga legs mo ah.” Ani Emily kay Tanya.
“Bah ang yabang kasi eh, ayun tigalgal ang loko.” Kahit walang kaayusan sa sarili si Tanya ay may kaakit-akit itong kagandahan. Mahahaba ang biyas ng mabibilog na mga hita at ang mahabang buhok nito na alon-alon ay bumagay sa hugis puso nitong mukha. Namana ni Tanya ang kanyang itsura sa kanyang namayapang ina. Si Aling Nimfa ay may pagka mestisa dahil anak ito ng isang mayamang angkan sa Negros itinakwil lang ng mga magulang dahil sa pagsamang magtanan kay Mang Manolo na ama ni Tanya.
“Mare upo ka muna, may misyon tayo. Hinila ni Tanya ang silyang yari sa kahoy para kay Emily.
“Anong misyon ba yang sinasabi mo? Baka kalokohan lang yan ha?”
“ Di ah! Shhhh…bubuksan na natin ang alkansya ko alam ko marami-rami na yun.
Ang alakansyang kawayan ay bahagi ng kabahayan kaya nakadikit ito sa dingding. Binutasan lang sapat para magkasya ang barya at perang papel.
Pinaghalong pananabik at pag-asa ang nararamdaman ni Tanya ng oras na iyon, sa wakas magagamit na nya sa makabuluhang bagay ang kanyang pinaghirapan, ang pagtitiis ng pagod at lamig sa kangkungan para sa ikabubuhay nilang mag-ama at para maka-ipon para sa pag-aaral nya.
“Pikit ka Tanya para surprise” ang sabi ni Emily habang nakangiti ito sa kaibigan.
“Sige Ems sabi mo eh, oh hayan na nakapikit na po.”
“One, two, three!” malakas ang pagkakataga ni Emily sapat para mabiyak ang alkansyang kawayan na nakadikit sa dingding. Nanlaki ang mga mata ni Emily sa nakita.
“Pwede na ba ako dumilat Ems? Ang tagal naman.”
“Susmaryosep! Sige dilat ka na.”
“Hay salamat! Kala ko papipikitin mo na lang ako habang buhay.”
Ang pagkakangiti ni Tanya ay napalitan ng pagkagulat. Ang laman ng alkansya isang limampisong buo at apat na mamiso.
“Bakit??!!---Ems bakit ganito?”
“Bah malay, kahit hubaran mo ako ngayon dito di ko ibinulsa ang laman nyan.”
Pakiramdam ni Tanya ay pinagsakluban sya ng langit at lupa, nagdidilim ang kanyang paningin sing dilim ng kanyang kinabukasan at mga pangarap.
Naka-alis na si Emily ay hindi pa rin tumitinag si Tanya sa pagkakasalampak sa sahig hindi pa rin nya lubos maisip kung ano at papanong nangyari at ganun lang ang laman ng alkansya nya.
Tiningnan nya itong muli at napagtanto nya na may maliit pala itong butas sa likod na kasyang ilabas pa isa-isa ang laman. Kung susumahin ni Tanya ang laman nito ay humigit-kumulang ng tatlong libo dahil sa matagal na panahon nyang paghuhulog dito.
“Oh Tanya anak andyan ka na pala? May pagkain na ba? Kumakalam na ang sikmura ko ah.” Ang reklamo ni Mang Manolo na kararating lang galing sa pakikipag inuman sa kapit-bahay.
“Magkano lahat itay ang laman ng alkansya ko?”
“Anong alkansya?”
“Tay walang ibang taong nakaka-alam na may alkansya ako kayo lang!”
“Wag mo akong sigawan!”
“Magkano itay at nasaan?”
“Anak, paminsan-minsan kasi kinukunan ko sya ng pambili ng bigas---“
“Bigas? Lagi tayong may bigas itay! Lagi kong inuuna ang pagkain natin kesa sa ipon ko papano mangyayari yun?”
“Minsan anak ipinambibili ko rin ng kuatro kantos pasensya ka na anak wala lang talaga ako madukot eh.”
“Pasensya? Ipinagpalit mo sa alak ang kinabukasan ko itay na kung tutuusin kayo nga sana ang unang nag-iisip nun para sakin.” nanlalabo na ang mga mata ni Tanya dahil sa di mapigilang mga luha.
Nanliliit ang tingin nya sa ama pero sa kabila nun andun ang katotohanan na ama pa rin nya ito at alam ni Tanya ang pinagdadaanan ng kanyang ama.
No comments:
Post a Comment