Thursday, May 12, 2011

Tagalog Novel: Kailan Ka Magiging Akin Bestfriend By Sharon Rose



MULI SIYANG nagtungo sa bayan ng araw na iyon. Wala lang. Gusto lang niyang umalis sa bahay nila. Sumasakit lang ang ulo at damdamin niya kapag nakakahalubilo ang kababata. And he was becoming a constant shadow inside their house. 
            Muli niyang dinalaw si Abigael. Kung meron pa nga ba siyang ibang kaklase na nanduon sa bayan ay dadalawin na rin niya. Ganuon na siya nagiging desperada huwag lamang makita ang kababata.
            Yes, she did not want to see him. But deep inside her there was a yearning to see him. At namimiss niya ito.
Huh! She was acting such a stupid fool again. Kung hindi lamang sana harap-harapang inamin sa kanya ni Kervy na wala na itong balak na ipagpatuloy pa ang pagkakaibigan nila, she would not be hurt this way.
            Sa kabila ng mga nangyari at sa paglipas ng mahabang panahon at galit, she realized she still value their friendship. Hindi mahirap kalimutan ang pagkakaibigan nila at nagsimula iyon mula pagkabata nila that lasted for over sixteen years. Yet he was speaking as if it meant nothing to him.
            Oh well, siya nga ang nagbigay ng tuldok sa pagkakaibigan nila ngunit iyon ay dahil sa katraidorang ginawa nito. Yet he was arrogant enough to admit to her that he did not want to pursue and save their friendship anymore.  Kung ayaw nito, puwes mas lalong ayaw niya. She had suffered for five years dahil sa kataksilan ni Mart at katraidoran nito. She was hurt badly and traumatized that she did not enter into any relationship again kahit pa marami naman siyang mga manliligaw.
            Nawala ang tiwala niya sa mga lalaki.  Two important men in her life betrayed her. That betrayal broke her young heart and bruised her budding female ego. Hindi madaling tanggapin na lalaki ang naging dahilan kung bakit nasira ang unang pag-ibig niya.
            And she did not want to see him around her. Nagagalit siya. At the same time ay naaawa sa sarili. Kung sana ay maging sensitive naman ito sa kanya at hindi na rin magpapakita. Hindi iyong para itong aninong palagi na lang nakabuntot sa kanya. Sinasadya ba talaga siyang asarin at pasakitan ng kababata?
            Pumasok siya sa pinakamodernong shopping center sa bayan ng Santa Barbara na mabigat ang kalooban. Mamimili na lamang siya ng mga gamit at maggo-grocery. Nasa supermarket siya at itinutulak ang cart ng may mabunggo iyon. Busy siya sa pagsuyod sa mga bilihin sa rack kaya hindi niya napansin ang paligid.
            “Sorry.” Kaagad na napataas ang paningin niya.
            “It’s really a surprise seeing you again Lovelle. Ang liit nga lang talaga ng Santa Barbara.” Malapad ang ngiti ni Mart pagkakita sa dalaga.
            “Hi Mart!” Ngayon ay hindi na siya naiinis sa muling pagkikita nila ng binata. Isang ngiti ang kanyang pinakawalan para dito.
            “Shopping for groceries?”
            Isang tango ang naging tugon niya. “Tutulungan na kita.” Kinuha nito ang cart at ito na ang nagtulak noon.
            They were having a light conversation habang namimili siya ng mga bibilhin. Kung hindi pa niya napansing napupuno na ang cart ay hindi siya titigil sa pag-abot ng mga bilihin at paglagay niyon sa cart.
            “How long will you stay in Santa Barbara?”
            “Only until this Sunday. Pagkatapos ng kasal ni Kuya Angelo ay babalik na ako ng Maynila.” Inayos niya ang mga bilihing nagkalat sa loob ng cart.
            “I wish you could stay a little longer.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.
            Napangiti siya sa tinuran nito. “Isang linggo lang ang bakasyon ko Mart. Masisisante ako sa trabaho kapag tumagal ako dito.”
            Uncertainty crossed his face. Ngunit ng muling tumingin ito sa kanya ay maaliwalas na ang mukha.
            “Yeah. I’ve heard you’ve got a nice job in Manila. Good for you.”
            “Hey, ikaw nga diyan eh isa ng negosyante.” Pero  hindi niya maiwasang tumaba ang puso sa kaalamang nakikibalita pa rin pala ito ng tungkol sa kanya. Si Kervy kaya ay nakikibalita rin ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya? Ipinilig niya ang ulo sa puntong iyon.
            She hated her reflexes to entertain such abhor thoughts about that rotten homo!
            Isang kibit ng balikat ang naging sagot ni Mart. “I like staying here in Santa Barbara kaya dito na ako nagtayo ng negosyo. You know, there’s no place like home.”
            Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya sa sinabing iyon ng lalaki. Tama ito. Ngunit kung sakit din lang naman ng kalooban ang matatamo niya sa bayan ng Santa Barbara ay hindi na lang niya nanaising tumagal sa lugar.
Mas maganda nang nasa Maynila siya. Magulo man ang buhay sa lungsod ngunit tahimik naman ang damdamin niya.

No comments:

Post a Comment