SHE WAS DRIVING her car fastly in the rough road of Santa Barbara. Wala siyang pakialam sa mga lubak na nadadaanan niya.
Her car was speeding in a performance she liked and from the looks of it, Kervy made a great job fixing her car.
So she owed something to that homo, huh! She shrugged her shoulders upon the thought.
Tinawagan siya ni Angelo kanina at pinapupunta sa sentro ng bayan kung saan naroroon ang boutique na tatahi sa damit pang-abay na susuotin niya. Siya na lang daw ang hindi pa nasusukatan.
Napilitan siyang bagalan ang takbo ng kotse dahil sa isang malalim na lubak. Alam niyang hindi kakayanin ng kotse niya ang lubak na iyon.
Nakabukas ang bintana ng kotse niya at hindi naka on ang aircon. Pagkatapos malampasan ang malalim na lubak, mabagal na ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.
Nang mahagip ng paningin niya ang malaking tractor mga sampung metro ang layo mula sa daan. At nahigit niya ang hininga ng makita na si Kervy ang nagmamaneho niyon. No wonder why he tanned and his body so muscled. Iyon pala ay dahil ginagawa nito ang mga mabibigat na gawain sa bukid.
Oh well, ang kababata niya ay isa ng ganap na magsasaka!
But she found herself impressed! Ang akala niya dati ay office works ang kahihiligan nito. He was clean looking and lanky. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang tutulong ito sa pagpapayaman ng malapad na bukirin ng pamilya nito. They own almost half of the land in their town. Ang pamilya niya ay may pag-aari ding bukirin ngunit kalahati lang iyon sa bukirin ng mga Manzilla.
Hindi niya napansin na nakatigil na pala ang kotse niya at pinanonood ang binata. Kaagad na ibinaling niya ang ulo sa ibang direksiyon ng makita siya nito.
Si Kervy ay kaagad na pinatay ang makina ng tractor at palundag na bumaba sa malaking machinery ng makita si Lovelle. He took a clean hanky from his pocket at pinunasan ang pawisang mukha nito at mga kamay habang papalapit sa dalaga.
“Hi Love!” His voice was refreshing.
She released a soft groan of dismay. Ano ba kasi ang pumasok sa kukute niya at itinigil niya ang kotse at pinanood ang lalaki. Ngayon ay mapipilitan na siyang kausapin ito. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila kagabi, hindi na dapat niya ito pinag-uukulan ng anumang klase ng atensiyon.
“Hi.” Pahinamad na sagot niya.
“Pupunta ka sa bayan?” His voice was casual and conversational.
“Hinihintay ako ni Kuya Angelo at Ate Marianna sa bayan. Magpapasukat para sa damit na susuotin ko sa kasal nila.” She obliged to answer his question. Then she looked at him. Ang buhok nito ay basa ng pawis at nakalugay sa mukha. Ang tsinitong mga mata nito ay animo nakangiti palagi. He got his chinky eyes from his half-Chinese mother. At ang ngayon ay basa na ng pawis na damit ay nakabakat sa dibdib nito, revealing a very muscled chest.
Despite sa pawisang mukha nito, he managed to look so handsome and sexy. Sexy? Hah! Lovelle tumigil ka nga! Naloloka ka na naman!
Iyon ba ang dulot sa kanya ng mahabang panahon na walang boyfriend? Pagkatapos maging disaster ang unang pag-ibig niya ay hindi na niya hinangad pa na magkaroon ng batong ipupokpok sa kanyang ulo. Mabubuhay siyang walang lalaki at nagawa niya iyon sa loob ng limang taon.
“I think I need to go now.” She needed to stay away from this man at nasisira lamang ang diskarte niya sa buhay. And besides, hindi na sila best-of-friends ngayon. Kung napatawad man niya ito sa katraidorang nagawa sa kanya ay hanggang doon na lamang iyon.
Nakita niya ang kalungkutang kaagad na rumihestro sa mga mata ng binata.
“Bye Kervy.” Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na pinausad palayo ang kotse.
“See you again around Love!” He shouted. Ngunit tinangay lamang ng hangin ang sigaw nito. Dahil mabilis na pinaharurot ng dalaga palayo ang sasakyan nito as if hinahabol ng sampung kabayo.
No comments:
Post a Comment