PAGKATAPOS ng pagkikita nila ni Mart ay natuklasan ni Lovelle na gumaan ang kanyang pakiramdam. He asked for her forgiveness and surprisingly madali lang niyang naibigay ang bagay na iyon. Iyon ay dahil wala na siyang nararamdamang kung anuman para dito.
At sa durasyon ng pag-uusap nila ay naging palagay ang loob niya. Mart was still the same. He still possess that great sense of humor na siyang nagustuhan niya dito noon.
But then that was only it. She could not feel the familiar kilig in her heart for him years back though their meeting pulled out the bitterness in her heart caused by his infidelity.
Umuwi siyang maluwag ang kalooban. Gusto pa sana siyang ihatid ng binata pauwi ngunit tumanggi siya. Nakatira ito sa bayan at mula sa pag-uusap nila ay napag-alaman niyang may ipinatayo itong negosyo doon. Ito ang nagmamay-ari sa tatlong chains ng internet café sa sentro ng Santa Barbara.
Nadaanan niya ang lugar kung saan nakita si Kervy na minamaneobra ang traktora kanina. Wala na doon ang lalaki. Siguro ay umuwi na ito. Sa parteng iyon ng bukid ay tapos ng anihin ang malapad na palayan at kasalukuyang piniprepara ang lupain para sa muling pagtatanim.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Itinigil niya ang sasakyan pansamantala sa gilid ng daan. Makaraan ang ilang sandali ay muli niyang pinaandar ang kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay ng iparada ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Nakita niya ang pickup na alam niyang pagmamay-ari ng kababata. Was he inside their house again?
Bumusina siya at lumabas sa bahay nila ang ina. Ito ang nagbukas ng gate at wala silang katulong. Ayaw ng Mommy niya ng katulong at kaya naman daw nito ang trabaho sa kanilang bahay. Meron lamang silang regular na labandera na pumupunta dalawang beses sa isang linggo. Maliban doon ay wala na.
Minaneobra niya ang sasakyan papasok sa garahe. Nagpasalamat siya sa ina ng makalabas sa kotse pagkatapos niyang maiparada iyon ng maayos sa garahe.
“Nasaan si Kervy Mommy?”
“Nasa Treehouse at hinihintay ka Lovelle. Puntahan mo na lang siya doon.”
Hindi na siya nagcomment sa sinabi ng ina at tuloy-tuloy na pumunta sa likuran ng bahay. Hinamig niya ang sarili at humugot ng malalim na buntong-hininga bago umakyat sa hagdan ng Treehouse. Ano ang sadya sa kanya ng lalaking ito? Hindi ba at ayaw naman nitong ipagpatuloy ang nasirang pagkakaibigan nila? Sukat sa naisip ay nagkalambong ang kanyang mga mata. Oh well, she was so stupid at all!
Nang makaakyat siya sa taas ng Treehouse ay nakita niya si Kervy na nakadapa sa kama at tinitingnan ang mga photoalbums na naglalaman ng mga pictures nila noong mga bata pa sila.
“Bakit ka nandito?” She asked in an unfriendly tone.
Umangat ang ulo ng binata at isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito ng makita si Lovelle. Kaagad na tumayo ito sa kama. “Hi!”
“I don’t want you to go here anymore Kervy.” Hindi niya pinansin ang palakaibigang ngiti nito. Though he looked undoubtedly handsome in her eyes at the moment. He was wearing a sando which flaunted his muscled biceps and walking shorts which revealed his powerful legs. Smooth unruly hairs made his legs looked sexy. And he was looking sexily handsome from head to foot.
She was trying hard to prevent herself from adoring his handsomeness but well aware that she failed to do so.
How can she let pass his domineering male virility and potently handsome face? Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa 360 degrees na pagbabago ng anyo ni Kervy.
“Inari ko na ring akin ang Treehouse na ito Love. We use to share this place---“
“That was before,” she said firmly, stopping him in mid-sentence. “Hindi na tayo magkaibigan ngayon. And puwede ba wag ka nang dumalaw-dalaw pa dito sa bahay. I don’t like seeing you here.” Dahil ginugulo mo lang ang damdamin ko. Lihim siyang napabuntong-hininga.
“Love…” His pained voice hung in the air.
“Don’t complicate things Kervy please.” She tilted her head. “Nag-usap na tayo kagabi. At malinaw ang lahat na tapos na ang pagkakaibigan natin. Di ba at matagal ng natapos iyon? That was five years ago to be exact. At madali lang naman akong kausap. We both don’t want to continue the friendship. And I don’t like seeing you around in my life.”
Nanatiling nakatayo lamang si Kervy at nakatitig sa magandang mukha ni Lovelle. Maya-maya ay isang malalim na buntong-hininga ang hinugot at pinakawalan nito. “It might be that the friendship is over Lovelle. But you could not stop me from visiting you and frequenting this place. Sa loob ng limang taon ay ako ang palaging tumatao sa lugar na ito. Tita Margie and Tito Edgardo gave the duplicate key to me. Inalagaan ko ang lugar na ito more than my own property.”
“Oh!” She gave a sarcastic grin. “Ang suwerte naman ng Treehouse na ito at inalagaan mo sa loob ng limang taon. Why, thank you.” But you did not value our friendship! Gusto niyang isigaw iyon sa harapan ng binata.
“Because I care for this Treehouse so much Love. It had become my sanctuary. Lalo na sa mga panahong nalulungkot ako.”
“Okay,” she raised her hand in the air as a sign of defeat. Hindi niya nagugustuhan ang tinutumbok na usapan ng lalaki. “Hindi na kita pagbabawalang pumunta sa Treehouse na ito. In fact, I’m giving this to you already. Tutal ay hindi ko na rin naman ito ginagamit.”
“You don’t get what I mean Lovelle.”
“And you don’t get what I mean too Kervy.” She said in a hard and firm voice. He was staring at her intently. She was trying her best to look straight at his smoldering eyes but her knees were becoming weak every second. Damn, how could he look so handsome and ruin her defenses?
“Listen to me Love—“
“No! You listen to me Kervy. We have talked about this already. At tapos na ang pag-uusap na iyon. Ayoko ng pag-usapan uli. Umuwi ka na please. Oh well, kung ayaw mong umuwi, fine.” Nagkibit siya ng mga balikat. “You stay in this place. Be here everyday. This is yours, I won’t care. But do not come my way so as we won’t have problems at all.”
“Lovelle!” Frustration printed on his handsome face.
“Bye Kervy.” She said in dismissal. Pagkatapos ay tinalikuran ito at bumaba ng Treehouse. Tuloy-tuloy siya sa kanyang silid at hindi na lumabas pa. Kinatok siya ng ina ng maghahapunan na. At lihim siyang nagpasalamat na sinabi sa kanya ng ina na umuwi na ang kababata sa bahay ng mga ito.
Ngayon niya gustong pagsisihan kung bakit umuwi siya ng maaga para sa kasal ng kapatid niya. Puwede naman niyang ibigay na lang ang body measurements without her personally appearing for the modiste. Hindi niya kailanman inisip na magiging ganito kakomplikado ang lahat pagbalik niya. And she was not expecting to be hurt more than ever.
No comments:
Post a Comment