Thursday, May 12, 2011

Tagalog Novel: Kailan Ka Magiging Akin Bestfriend By Sharon Rose



CHAPTER 3
PAGKATAPOS magpasukat ng damit ay nagpaalam na siya sa Kuya Angelo niya at bayaw na may bibilhin lamang sa palengke. Mga personal na gamit na hindi niya nadala from Manila. At balak din niyang bumili ng mga sariwang prutas at gulay dahil napansin niya kaninang kokonti na lamang ang laman ng refrigerator.
            “Lovelle!”
            Mula sa pamimili ng mga prutas ay tumaas ang ulo niya at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Naging pormal ang kanyang mukha ng mapagsino ang lalaking ubod ng tamis na nakangiti sa kanya.
Si Mart.
Her blood boiled vehemently. She ground her teeth in anger. Hindi niya inaasahang makikita ito sa bayan.
She felt acid spreaded her tongue as her eyes scornfully roamed around her ex-boyfriend’s face.
            Five years had passed but he still looked the same. Tumangkad lamang ito ng ilang pulgada. Patpatin pa rin bagamat nadevelop ng kaunti ang mga mucles sa braso nito. He was wearing a white t-shirt na medyo maluwang para sa katawan nito at maong na pants. Rubber shoes ang suot nito sa paa.
            Mart still looked handsome but he looked plain. Nothing special about him. Oh well, a shiteous ex-boyfriend like him will never be special.
But he was handsome alright! No wonder at pati ang bestfriend niyang lalaki ay nahumaling dito at ipinagpalit ang pagkakaibigan nila!
She expected herself to be extra angry and vicious kapag nagkita sila ng lalaki. Na magwawala siya sa harapan nito. But she did not have those reactions.
Oo nga at galit siya but she was not affected by him. Siguro nga ay tuluyan na siyang nakapag move on. Bahagi na lamang ito ng nakaraan niya at hanggang doon na lamang iyon.
            “Hi!” Isang simpleng ngiti ang naging tugon niya sa lalaki.
            Akma siyang tatalikod ng abutin siya nito. Hinayaan niyang magbeso sa kanya ang lalaki. “You are prettier than ever Lovelle.” Humahanga ang paninging sinuyod nito ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha niya.
            She rolled her eyes discreetly. So?????
            “Alam ko iyan noon pa Mart.” He never changed. He still has the sweetest tongue in the world. But he can’t fool her now. She was so over him already.
            She wanted to laugh. Ngayon niya naisip kung ano nga ba ang nakain niya noon at nagustuhan niya ang lalaki.
            “Care for a drink? Mainit ang panahon ngayon. Masarap magpalamig.” He managed a smile despite of her cold treatment.
            “I’m busy Mart. Marami pa akong bibilhin.” Pormal na saad niya sa lalaki at muling binalingan ang tindera ng prutas. “Isang kilo nga po ng Mangga Ale.”
            “It’s my treat Love. Limang taon din tayong hindi nagkita at hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito upang humingi ng tawad sa iyo.”
            Kaagad na binayaran niya ang tindera at umalis. Ang balak ay bumalik na sa kanyang sasakyan at umuwi na. Ngunit sumunod si Mart sa kanya.
            “Alam kong nasaktan kita ng husto Lovelle. At hindi ako pinatahimik ng aking konsensiya sa loob ng limang taon. I don’t have other intentions other than ask for your forgiveness. I know you’re a sweet lady at hindi kita dapat sinaktan.”
            Napilitan siyang tumigil at hinarap ang lalaki. “Matagal ng nangyari ang lahat ng iyon Mart. Kinalimutan ko na. And besides hindi ka na mahalaga sa akin. I’m not hurting anymore. Let’s put the past behind us now. Hindi na tayo mga bata.” Diretsahang saad niya dito.
            He was stunned for awhile. Ngunit kaagad din itong nakarecover. “I’m happy to hear that Lovelle. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maging magkaibigan tayo ano?” Isang ngiti ang pinakawalan nito. “Afterall, magkababayan pa rin tayo.”
            His intentional sweet smile did not affect her at all.  But she groaned silently in distaste. Isipin pa lamang na magiging kaibigan niya ang lalaking ito na naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Kervy, she wanted to back out. Dahil kapag nakikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang sariling magalit sa katraidorang nagawa sa kanya ng kababata. Ngayon niya napagtantong hindi siya nasaktan dahil nasira ang relasyon nilang dalawa kundi dahil nasira ang matagal ng pagkakaibigan nila ni Kervy.
            “Promise gusto ko lang talagang makipagkaibigan sa iyo this time.”
            She smiled bitterly sa sinabi nito. At ano ang iniisip ng gunggong na ito? Na may gusto pa rin siya dito hanggang ngayon? Ngayong muling nagkrus ang landas nila pagkatapos ng limang taon made her realized that she was not really in love with him before. Peer pressure was the only reason why she liked him. Kaya niya ito sinagot at naging boyfriend.
            “Hindi ako plastic na tao Mart. Hindi maganda ang nangyari sa atin years back. And I don’t hate you that much because you ruined our relationship. But I hate you that much because you ruined my friendship with my bestfriend. Hindi ganuon kadaling kalimutan ang lahat.” Ngayon niya narealize na hindi naman pala niya ganun ka pinahalagahan ang relasyon nila. Mas matimbang sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Kervy. At mas nasaktan siya dahil nasira ang pagkakaibigang iyon.
            Isang tikhim ang pinakawalan ni Mart kasabay ng pag-ilap ng mga mata nito. “Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari Lovelle. But it was not my entire fault afterall.” May gusto itong iparating sa kanya na kaagad niyang naintindihan. “And besides, gusto kong makabawi. Tama na sa aking maging magkaibigan tayo.”
            Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Katulad ng sinabi ko Mart ay napatawad na kita. At matagal ng nangyari ang lahat ng iyon. Mahirap kalimutan dahil naging bahagi na iyon ng buhay ko. Kaya hindi madaling ibigay ang alok mong pakikipagkaibigan. But why not give you a chance anyway. Naging mabuti ka naman sa akin sa kabila ng lahat.”
            Mart’s face brightened. “I’m happy to hear that Lovelle. And we need to celebrate this. Come on, let’s chill out. Masarap kumain ng halo-halo sa ganitong mainit na panahon.”
            Tag-ulan na nga pero mainit naman ang sikat ng araw. Kahit pa madalas na umulan sa lugar nila dahilan upang magkaroon ng malalim na lubak ang kalsada, the air remained humid.
At dahil sa sinabi nitong masarap kumain ng halo-halo sa mainit na panahon, natakam na rin siya. Alam nito na halo-halo ang paborito niyang pampalamig. At matagal na rin siyang hindi nakakain ng halo-halo sa Santa Barbara.
            Pinagbigyan niya ang imbitasyon ni Mart.

No comments:

Post a Comment