CHAPTER 2
PAGISING niya ng umagang iyon ay nakita na niya ang kanyang kotse sa garahe nila. Kaagad na nilapitan niya iyon at binuksan ang pintuan. Nakita niya ang susi sa keyhole at nagkasalubong ang mga kilay. And remembered na kinatok nga pala siya ng ina kagabi at hiningi ang susi ng kanyang kotse.
Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pinaandar iyon. Maayos na umandar ang kotse. Iniatras niya iyon at ng masigurong ayos na ang sasakyan ay muli niyang pinausad pabalik sa garahe.
Lumabas siya ng kotse at muling pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya sa kusina ang ina na naghahanda ng agahan. Tumulong siya dito at inako na ang pagpiprito ng hotdog.
“Nasa garahe na ang sasakyan mo Lovelle. Inihatid ni Kervy kagabi pagkatapos niyang ayusin.”
Hindi siya nagbigay ng komento sa sinabi ng ina. Wala itong alam tungkol sa namagitang hidwaan sa pagitan nila ng kababata. Para dito ay magbestfriends pa rin sila ni Kervy.
“Ang sabi niya anak ay pupunta daw siya dito mamayang hapon upang bumisita.”
Her eyebrows rose sardonically. What the hell was that homo up to? She never wanted him around her. She can’t bear a sight of him!
No, she did not want him hang out with her. She wanted to shriek in abhorrence at the thought!
Mamayang tanghali ay aalis siya upang hindi madadatnan ng kababata sa bahay nila. Masisira lang ang araw niya kapag makaengkuwentro ito. She impulsively planned to visit one of her high school friends.
“May pupuntahan ako mamaya Mommy.” She removed the hotdogs in the frying pan at inilagay sa pinggan. “Please tell him I won’t be available should he come this afternoon.”
“Matagal din kayong hindi nagkita ni Kervy ah. I’m sure he greatly misses you. He’s your bestfriend.”
Her face tautened.
Noon iyon Mommy. Noong hindi niya ako tinraidor. But were now mortal enemies!
Ngunit hindi niya kayang isatinig iyon sa ina. Nobody was aware of the tiff between her, Mart and Kervy five years ago.
Nagkibit siya ng mga balikat. “Nagkita na kami kagabi Mom. And besides, he can come back the following days.”
That gayface can disappear anytime so he can’t pester her and her peace of mind anymore!
Inilapag niya sa malapad na dining table na gawa sa Narra ang hawak na pinggan. Nakahanda na ang agahan sa mesa at ang hotdog na lamang ang kulang. Her mother cooked fried rice and scrambled egg. Siya ang nagprito ng hotdog.
“Sandali at tatawagin ko lang ang Daddy mo at si Angelo.”
She heaved a sigh when her mother did not pursue the topic. Nang tumalikod ang ina, humugot siya ng upuan at nanlalatang umupo.
Her mind was so busy scourging for ideas just to avoid Kervy who was now her mortal enemy. She felt like she was on a hot seat and that her life was at bay of destruction.
Oh well, her life was already ruined liked Atlantis and that’s all because of her so trusted bestfriend!
Her blood boiled vehemently that he wanted to become violent!
Oh well, damned Kervy and his homosexuality!
GABI NA NG umuwi siya sa kanila mula sa bayan. Binisita niya si Abigael. Ang kaklase na maagang nag-asawa dalawang taon pagkatapos nilang gumradweyt sa high school. She did not see her after graduation. Sa Maynila na kasi siya nagkolehiyo. Kadalasan sa mga kaklase niya ay sa bayan na nag-aral ng kolehiyo. Ngunit sa iba’t-ibang panig ng Luzon nag-apply ng trabaho.
“Kanina ka pa hinihintay ni Kervy anak.” Salubong sa kanya ng ina.
Nakunsumi siya sa narinig. Lalo pa ng makita sa sala nila ang lalaki at halatang hinihintay ang pagdating niya. Isang ngiti ang iginawad nito sa kanya. Bilang ganti sa ngiti nito ay tinaasan niya ito ng kilay. The nerve of this traitor to pay her a visit!
“Doon na nga kayo sa Treehouse mag-usap anak.” Suhestiyon ni Margie. Nanonood kasi ito ng palabas sa telebisyon sa sala. “At dalhin mo na itong inihanda kong meryenda upang may makain kayo doon.”
Napilitan siyang tanggapin ang tray ng pagkain na ibinigay sa kanya ng ina. Dalawang mataas na baso ng juice at camote fries ang laman niyon. Bitbit ang tray ay ay tinungo niya ang likuran ng bahay kung saan naroroon ang treehouse. Hindi niya nilingon ang lalaki ngunit alam niyang nakasunod ito sa kanya.
“Ako na ang magdadala niyang tray ng pagkain Lovelle.”
“Ako na.” Paangil na sagot niya at nagsimulang umakyat sa hagdan ng treehouse. Hindi naman kataasan iyon dahil mababa ang puno ng akasya kung saan iyon nakapatong. The structure of the treehouse was like a nipa hut in bamboo stilts. Hindi naman talaga ang puno ng akasya ang nagsusupport dito kundi ang mga haliging kawayan.
Ipinatong niya sa side table ang bitbit na tray ng pagkain ng makaakyat siya sa treehouse. Sa loob niyon ay ang malapad na kama, side table, divider kung saan nakalagay ang tv at CD player at ang malaking cabinet na naglalaman ng mga laruan niya noong bata pa siya. Dolls, cooking wares, and the expensive doll house na niregalo sa kanya ng ina in her 8th birthday. And she used to share those toys with Kervy in her younger years.
Isang ngiti ang hindi niya napigilang kumurba sa kanyang mga labi ng maalala ang kabataan nila ng kababata. But she instantly erased it as his betrayal reminded her foolish mind.
“Nagdala ako ng Harry Potter Cds Lovelle. Napanood mo na ba ang lahat ng sequels niyon?”
She shook her head. “Hindi ko napanood ang pinakalatest.” She loved watching Harry Potter. She can remember she used to wait for its sequel before. Ngunit naging busy siya sa trabaho kaya hindi na siya nagkaroon ng panahong panoorin ang pinakabagong sequel niyon. She remembered the first time she watched the movie.
High school pa siya noon at kasama niya si Kervy. At pareho silang nag-enjoy sa panonood. They both watched the movie ngunit iyon pa rin ang pinag-usapan nila hanggang sa paglabas ng movie house sa bayan as if ang isa sa kanila ay hindi nakapanood.
“Gusto mo panoorin natin?” Kinuha nito ang cd sa lalagyan at isinalang sa CD player. Then he turned on the tv and set it to video mode.
Tahimik lamang siyang naupo sa kama. Kinuha ang isang unan doon at niyakap. She watched him operate the Cd player. Nang magplay na ang cd ay nilingon siya nito at umupo sa tabi niya.
Bigla siyang naconscious. They used to stay inside this treehouse before. Ito ang naging hideout nila dahil nandito ang mga laruan niya at dito sila naglalaro. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam ng pagkailang sa isiping dalawa lamang sila ng lalaki sa lugar na iyon.
Strange…
Pinilit niya ang sariling magconcentrate sa panonood ng movie at binalewala ang lalaking katabi. Maya-maya pa ay nakafocus na siya sa panonood at engrossed na sinubaybayan ang bawat eksena. She saw Daniel Radcliffe, more mature at the new sequel. Ngunit cute pa rin ito in his signature spectacles.
Wala siyang naririnig na ingay kay Kervy and she thought he was also busy watching the movie. Kaya ganun na lamang ang pagkagulat niya ng sa paglingon niya dito ay nahuli niyang nakatutok ang paningin nito sa mukha niya at hindi sa tv monitor. Her heart suddenly leaped out of her chest. Panic rammed her entire being.
As a defense mechanism, she angrily looked at him. Her eyebrows were almost like one line above her eyes.
Darn, but she needed to do something else this abominable creature will surely get to her nerves! He was looking at her with those penetrating gaze and she felt like hypnotized!
“Don’t mind me Love. Gusto lang kitang titigan. Na miss lang kita ng husto.” He whispered smoothly.
She swallowed hard. She felt like something suddenly blocked her throat and she had difficulty swallowing.
“Stop staring at me Kervy.” She hissed. She hated herself even more for acting such lunatic! “Are we going to watch the movie or not? We can stop this and avoid wasting both our time you know. I’m tired and I want to sleep.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. “Don’t you miss the good old times we had before Love?”
“Stop that Kervy please…” She closed her eyes in frustration. “I would be the craziest person in the world should I do that.” Ayaw niyang alalahanin ang masasayang sandali ng pagkakaibigan nila dahil hindi rin niya maiiwasang alalahanin ang katraidorang ginawa nito sa kanya. She was trying to compose herself yet the wrath that she had for him starting to consume her again.
“I missed my bestfriend. I want her back.”
Huh! She wanted to laugh in hysterics. Surely, this homo was out of his mind!
“The old Lovelle was gone Kervy. There’s no more friendship between the two of us. Matagal ng natapos iyon. And you ended it yourself. So don’t ask for the impossible. Hinding-hindi na maibabalik pa ang pagkakaibigan natin. Sinabi ko na sa iyong kinalimutan ko na ang nakaraan. So don’t ask for too much.” Her eyes narrowed angrily.
Kervy remained silent but he continued looking at her and its getting to piss her off.
“Hindi ko na rin gustong ibalik ang pagkakaibigan natin Lovelle. Hindi ngayon sa muli mong pagbabalik.” He whispered softly after a few minutes.
She forced an acidic smile. “Oh well, ganyan din naman pala at pareho ang gusto nating mangyari, walang problema. From now on, don’t come my way and I will never come your way.”
But she can’t explain why she felt so hurt of his confession. That was what she wanted, right? But for Christ’s sake, her tear wanted to fall!
She can’t forget how they become best of friends. He had been her world before, her brother, her protector.
Their friendship was the most sacred thing she holds. She thought he felt the same way too. She thought he really value what they have.
But she was dead wrong. He never valued their friendship! He just said it! Besides, if he valued their friendship, he won’t betray her trust five years ago!
“We can start a new beginning for the two of us.”
“Great! We won’t have any beginning because we already have an ending!”
She stood up and faced him like a roaring tiger. She was already fuming with anger. Plus the fact that she was controlling her stupid tears not to embarrass her, all she wanted to do was to run away from him.
“Let’s start something more special than what we have before Lovelle. I’m sorry to hurt you…”
“Go to hell!” She spat. Hindi na rumehistro sa isipan niya ang sinabi nito. Patakbo siyang bumaba ng treehouse. Kung hindi niya gagawin iyon ay hindi niya mapipigilan ang sariling umiyak sa harapan nito.
“Umuwi ka na Kervy. Matutulog na ako.” Tuloy-tuloy siya sa pagbaba sa treehouse ng hindi nililingon ang lalaki. Nadaanan niya sa sala ang kanyang Mommy. She was so concentrated on watching her favorite soap opera sa labis na pasasalamat niya. Hindi siya nito napansin.
Kaagad na isinubsob niya ang sarili sa kama ng makapasok sa loob ng kanyang silid. The moment she closed the door, tears fell from her eyes. And she cried a river of tears sa kadahilanang hindi malinaw sa kanya. Matagal na niyang iniyakan ang pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Kervy.
Ngunit mas masakit marinig dito mismo ang katotohanang hindi nito pinahalagahan ang pagkakaibigan nila at wala na rin itong balak na ibalik pa ang pinagsamahan nila.
“Damn you!” Ang unan ang napagbuntunan niya ng galit.
No comments:
Post a Comment