Friday, January 13, 2012

Showbiz News: Xian Lim, Sinagot Ang "Bading Issue" Niya!


Marami ngayon ang haka-haka na itong biglang sikat na young actor ng mapasama sa cast ng My Binondo Girl, na si Xian Lim ay bakla daw at user at hindi naman totoo ang ipinapakita nitong ka sweetan kay Kim Chiu at hanggang promo lang daw ang lahat. 

Matatag namang sinagot ni Xian ang mga isyung ito. Aniya: 

"Actually, nung papasok pa lang ako sa industry, I was prepared na rin. Sabi nila, kailangan daw handa ako. Maraming magsasabi ng ganyan [bading issue]. Ako I'm very comfortable with my sexuality, with my gender. Alam ko naman kung sino talaga ako. Wala naman akong dapat ika-guilty. Wala akong kailangang ikatakot. Kilala ko ang sarili ko."

Hindi mamatay-matay ang ispekulasyon na pang-promo lang daw sa tambalan nila ni Kim ang sinasabing closeness nila, ano ang masasabi ni Xian dito?

"I can't control what they think, 'di ba? 'Di naman lagi akong mag-e-explain na walang ganun. I think it's normal... normal and I understand. Uulit-ulitin ko, paulit-ulit kong uulitin, kahit isang libong beses pa 'yan. Wala akong ganung pakay. 'Di ganun ang intension ko. I'm just happy right now, walang ganun. Di ako gagawa ng something na inutos ng ibang tao. Gagawa ako ng action kung nararamdaman ko yun, not because other people is telling me to do it. Hindi ako manggagamit ng tao. Yun nga, paulit-ulit akong magpapaliwanag, naiintindihan ko na ganun ang insiip nila. 'Di ako ganung tao. 'Di ako gagawa ng something na 'di totoo sa puso ko. "

So sincere ang feelings niya kay Kim? Ows?!

"I can't pinpoint kung ano sa kabuuan niya [ang nagustuhan ko], everything thumbs up. Coming from my heart, she's the girl who makes me feel inspired. She's the girl I'm so comfortable with. She's the girl na pagkatapos ng taping iniisip-isip ko pa rin. Sinasabi ko nga sa kanya, she's a girl that's hard to forget. I'm doing all these things coz I want to make her special. Sa bawat pagkakataon na magkasama kami, ayokong magsayang ng panahon na 'di ko pinararamdam sa kanya na special siya. It's a blessing talaga to work with her, to be her friend."

Mukhang showbiz nga ang sagot! Hehe...


No comments:

Post a Comment