Sunday, January 8, 2012

Showbiz News: Pauleen Luna, Gold Digger Daw Ayon kay Oyo Boy Sotto?


Kahit hindi nagsasalita sina Vic Sotto at Pauleen Luna tungkol sa isyu sa kanilang dalawa, may mga ilang personalidad ang nagpatotoo na may itinatago nga raw relasyon ang halos ay mag-ama ng co-host ng Eat Bulaga. The more than thirty years age gap between the unlikely couple caused a stir not only in the public but especially on Vic's family calling Pauleen all sorts of names related to "mukhang pera" and "gold digger."


Isa na rito ang nakakaintrigang tweet ni Oyo boy Sotto na ang duda ng karamihan ang tinutukoy nito ay ang Vic-Pauleen isyu.

Nung December 4 ay nag-post si Oyo boy sa kanyang Twitter account VSotto12 ng, "Ang dami talagang mukhang pera... ang daming lumalandi! Nakakalungkot (hindi sa akin) Haay nako...."

Sinundan pa nito ng ilang beses niyang sinulat na "respeto lang."

Kaya naglabasan ang intrigang tutol daw ito sa pakikipagrelasyon ng kanyang ama kay Pauleen. Naging isyu ito dahil sa lumabas ding kuwento na idinaan daw ni Vic sa mga regalo ang panliligaw sa young actress. Isa na rito ang ipinapatayong bagong bahay ni Pauleen.

Kaagad itong itinanggi ni Pauleen dahil minsan lang daw siya nakatanggap ng regalo mula sa comedian/TV host at ito raw ay nuong nakaraang birthday niya.

Ayaw na sanang palakihin pa ito ni Pauleen, kaya lang naaapektuhan siya dahil lumalabas siyang materialistic, gawa nang patuloy daw na pagreregalo sa kanya ni Vic.

Sinagot niya ito sa Startalk at ang sumunod nuon, may ipinost na naman si Oyoboy sa kanyang Twitter account, "Kung nasaktan ka, ikaw yun."

Ang latest, na-deactivate ang BBM (BlackBerry Messenger) ni Pauleen dahil iniiwasan na lang nitong makatanggap ng kung anu-anong mensaheng pinatatamaan siya.

Ayaw na rin daw niyang mag-post ng kung anu-ano sa kanyang BBM at baka bigyan na naman daw ng ibang kahulugan.

Pati ang pagti-tweet ay tinigil na rin nito at iniiwasan na rin niyang magbasa ng mga tweets.

1 comment:

  1. Pauleen is really a gold digger. Her ex-bf was Shewrin Gatchalian is from a very rich family. Now Vic Sotto who we know is also rich. Damn Pauleen, I even saw you at a fine dining restaurant you keep on speaking in english when it was so obvious that you are faking it. If you are rich, Why did you join little miss philippines?

    ReplyDelete