Monday, January 9, 2012

Showbiz News: KC Concepcion, Namaalam Na sa The Buzz!



Namaalam na sa show niyang The Buzz kahapon, Jan. 8, 2012, si KC Concepcion. Muling siyang napanood sa The Buzz hindi bilang co-host kundi bilang guest. Ang pagkakaabalahan ngayon ng aktres ay ang The X Factor Philippines na bagong reality-based talent search show from the famous international franchise.


Ani KC, sa The Buzz niya natutunan ang mas maging mahusay pagdating sa hosting. Aniya, babaunin niya ang mga naging karanasan niya with Boy Abunda, Kris Aquino, Toni Gonzaga and Charlene Gonzalez.

Aniya, isa sa mga nakakatawa niyang karanasan sa show ay nung naging apat na sila; siya at sina Boy, Toni at Charlene. “Ang gulo-gulo talaga natin. May mga nagtu-Tweet na mga fans at artista becausemaraming pwedeng sabihin sa isang topic, maytimes na tuloy-tuloy, normal conversation ‘pag magkasama kayo ng kaibigan n’yo, ‘yun ‘yung mami-miss ko.”

Kinumusta rin ni Boy ang bagong gupit ni KC na ginawa niya matapos ang break-up nila ni Piolo Pascual. Hindi naman daw naging mahirap para sa kanya nang magdesisyon siyang ipaputol ang buhok. “Sabi nila ‘pag nagpagupit kayo ng ganyan kahaba o ganyan ka-drastic, kailangan talagang ready kayong gawin ‘yon at hindi talaga pinag-isipan kasi ‘pag pinag-isipan n’yo ang ginawa n’yo, you can regret it. Mami-miss (n’yo),” paliwanag ng actress-host. “Ang tawag ko nga d’yan (buhok) feelings. Ang tawag sa pagpapagupit ng buhok ko, emotions.Sabi daw nila ang babae ‘pag may pinagdaanan, ke maganda o hindi, basta life-changing, unang-unang pinapalitan buhok.”

Very excited naman ni KC ngayong 2012 dahil maraming bago sa kanyang buhay. “For 2012 I’m very excited for the new me, sa lahat ng napagdaanan natin talagang may bagong chapter, bagong leaf na tinu-turn over at lahat (ng nangyayari) naniniwala ako may dahilan.”

Napakamahulugan naman ang sinabi ni KC nang tanungin siya ni Boy kung ano ang gustong sabihin ni KC sa kanyang sarili matapos ang lahat ng nangyari. “That you should never allow anyone to step on you. You should not let anyone think less of you and that bilang babae, meron kang strength na hindi mo alam o hindi mo malalaman agad-agad na meron ka at huwag mong bibitawan ‘yon.”

No comments:

Post a Comment