Tuesday, January 18, 2011

Showbiz News: Angelica Panganiban, Gustong Makipagbati Kay Claudine Barretto!


Isa sa mga New Years Resolution ni Angelica Panganiban ay makipagbati sa mga taong hindi sinasadyang nakabanggaan nito. At isa na rito ang malapit niyang kaibigan noon, si Claudine Barretto.

Timing na timing daw ito dahil gusto niya raw talagang simulan ang 2011 na very positive.


"Yun naman ang puwedeng pinakamagandang mangyari ngayong year na ito dahil marami akong naisarang isyu sa buhay ko noong 2010. And naging napakaganda ang pagsalubong sa akin ng 2011.

"Sabi ko nga, favorite year ko ang 2010 dahil ang daming learnings. So, sana magtuluy-tuloy na," sabi ni Angelica sa press sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Network.

Ano yung lessons learned niya sa 2010 na makakatulong para makaiwas na siya sa intriga?

"Lapitin na talaga ako ng intriga simula bata ako," pag-amin niya.

"Pero ang pinakamaganda siguro dun ay mas positive na yung pananaw ko sa buhay ngayon dahil nga siguro wala na yung mga bigat... Kumbaga, yung mga pinapasan kong bigat.

"So, wala na akong itinatago sa mga tao. So, open na lahat ngayon. Ngayon, mas masarap nang mabuhay, mas nakakatuwa nang mabuhay ngayon."

Gusto nang iwan ni Angelica sa nakalipas na taon ang mga intriga sa kanya na pinagpiyestahan ng mga tao.
Nangunguna na nga rito ang naging away nila ni Claudine Barretto, na maituturing na isa sa pinakamalalaking intriga sa showbiz noong 2010.

Ang tanong, kung willing makipagbati si Angelica, si Claudine kaya e willing din ba?

No comments:

Post a Comment