Friday, January 14, 2011

Showbiz Feud: Sarah Geronimo, Nagsalita Na Tungkol Sa Away Nila Ni Cristine Reyes!



Sa wakas ay binasag na ni Sarah Geronimo ang nakakabinging katahimikan niya tungkol sa pagtataray ni Cristine Reyes sa kanya sa twitter account ng sexy actress!



Ayon sa Pinoy Pop Superstar, hindi siya ang tipo ng tao na mahilig magparinig. Kung may galit o sama ng loob daw siya sa isang tao ay sasabihin niya ito ng diretsahan at hindi idadaan sa parinigan. Ayon pa sa singer actress wala daw itong sama ng loob kay Cristine Reyes.

Humihingi din ito ng paumanhin sa pananahimik na ginawa about the issue kasi hindi nito gustong lumaki pa ang gulo. Ngayong nagsalita na ito, hoping si Sarah G. na tuluyan ng matuldukan ang issue.


Nang tanungin naman si Sarah tungkol sa lovelife nito, ito naman ang matalinong sagot nito "True Love waits!"

Oo nga naman!

Darating din ang taong maging karapat-dapat sa pagmamahal mo Sarah. Iyong mamahalin ka talaga ng totoo at hindi ka lolokohin.... Sinusuportahan ka namin diyan!

1 comment:

  1. Way 2 go Sarah..no matter wat happen..i'll still have ur support!!..Im so like the "True Love Waits"

    ReplyDelete