Friday, January 21, 2011

Showbiz News: Baron Geisler, Adik Na Manyakis Pa!

Ilang kaso na ba ng pambabastos ang nasangkutan ni Baron Geisler? Matatandaang nagfile ng kaso si Yayo Aguila laban dito. Naging emosyonal naman si Yasmien Kurdi at ilang beses ng hindi sinipot ni Baron ang hearing sa kasong act of lasciviousness na isinampa ng actress laban dito. At ngayon naman, naghain ng reklamo si Cherry Pie Picache laban din kay Baron at umano ay binastos din ito ng lalaki.



Mukhang wala na ngang pag-asang magbago ang actor unless kung tuluyan itong magparehabilitate. Matatandaang nalulong ito sa droga at pagkatapos naman niyon ay sunod-sunod na kasong pambabastos ang kinasangkutan nito.

Itinanggi ng kontrobersiyal na aktor ang akusasyon na binastos niya diumano ang aktres at Noah co-star na si Cherry Pie Picache.

Sa panayam kay Baron ng ABS-CBN News, sinabi nito na maaaring inakala ni Cherry Pie na sinadya niyang hawakan ang dibdib nito sa isang eksena.

Taong-unggoy ang karakter ni Baron sa Noah at dahil dito ay hinihingi daw ng kanyang papel ang pagiging malikot pagdating sa kilos ng buong katawan at galaw ng mga braso. Kasama rin sa role ni Baron ang panghu-hostage ng mga taong-bayan na kung saan nabibilang ang karakter ni Cherry Pie.

"Bilang aktor, in character ako," depensa ni Baron sa sarili.

Hindi raw niya maaaring bastusin si Cherry Pie dahil mataas ang respeto niya sa award-winning actress, bukod pa sa parang isang ina ang turing niya rito.

"Nanay ang turing ko kay Cherry Pie. Imposibleng gawin ko yun sa kanya. I'm very disappointed," sabi ni Baron, na itinanggi rin ang naunang balita na lasing daw siya habang kinukunan ang eksena na ikinagalit ni Cherry Pie.

Nakiusap din ang aktor sa publiko na kung maaari ay panoorin muna nila ang eksena bago siya husgahan.

No comments:

Post a Comment