Tuesday, January 18, 2011

Showbiz News: Charice, Dinepensahan ng Ina sa Isyung Nang-Isnab Ito Ng Local Press!


Hindi na rin nakatiis ang ina ng International Singing Sensation na si Charice Pempengco tungkol sa kumakalat na intrigang nang-isnab ng local press ang singer na siyang dahilan kung bakit nagalit ang mga local press. Bilang isang ina, to the rescue kaagad si Racquel Pempengco at ipinaliwanag ang side ng anak tungkol sa isyu.


Ayon kay Mommy Racquel, “Kasi yung araw na dumating si Charice, mula umaga, natapos yung concert halos 1:00 a.m. na siyempre siguro kahit naman kayo, kahit gaano kapagod yung araw na iyon. Siyempre all of the time naman na uuwi kami, lahat ‘yan ay napagbibigyan namin pero sana naman ay naiintindihan nila na napapagod din yung bata na kailangan ding magpahinga. Hindi nila kasi alam kung gaano ka-busy si Charice sa America para mag-comment yung iba ng ganun,” paglilinaw nito.

Dagdag pa ni Mommy Racquel ay hindi raw nakalilimot lumingon sa pinanggalingan ang kanyang anak. “Lagi kong pinapaisip sa kanya, there’s no place like home. Home niya ang Philippines. Iba pa rin ang mga Pilipino. Humihingi ako ng paumanhin, sana naiintindihan n’yo rin na napapagod din ang anak ko. Huwag na lang itong pahabain,” pakiusap pa ni Mommy Racquel.

2 comments:

  1. She should'nt apologize to the press coz its their fault, there is no scheduled interview. THis not like any sports event that she should comment on the event. C'om guys grow up, your'er acting like a kid.

    ReplyDelete
  2. GRRRR! this press people is pissing me off! there is a schedule presscon the day after at EK. can they can't wait for that! as if they own charice! Gosh! she barely have time for her family everything she goes home..and it's her mom's bday! give her a break! and just do your cheap local 'tsismis'! she's an international artist she deserve to be treated like one!

    ReplyDelete