Thursday, December 2, 2010

Showbiz Scandal: Shalani Soledad, Dalagang Ina?

Sa pagpasok sa mundo ng showbiz ni Shalani Soledad, ang sikat na ex-gf ni Pnoy, maraming mga intriga ang naglabasan tungkol sa kanya. Si Shalani ang co-host ngayon ni Willie Revillame sa show nitong Willing-Willie sa TV 5.



Isa sa mga intrigang ibinabato sa butihing konsehal ng Valenzuela ay umano may anak na ito. Sinagot ng Tita ni Shalani na si Mrs. Edith Soledad ang mapanirang tsismis na ito tungkol sa pamangkin.

Iginiit ni Baby na walang anak si Shalani.

"Kahit kanino mo itanong dito. E, ilang taon nang konsehal dito 'yan? Hindi naman umaalis kaya 'yan? Visible na visible siya dito.

"Siyempre, alam n'yo kung... di ba? Halos isang taon ka kayang mawawala pagka may anak ka. Wala."

Kunsabagay, hindi naman mukhang may anak na tingnan si Shalani. Maganda at seksi pa rin ito at malayo sa hitsura nito na nanay na.

Ang hiling ng pamilya ni Shalani ay tantanan na raw ang dalaga at wala itong ibang hangad kundi ang makatulong sa kapwa kaya tinanggap nito ang offer ng tv 5 na maging co-host ni Willie. Malapit ng ipalabas ang segment kung saan pumunta sa depressed area ang konsehala at namigay ng regalo.

Ganyan talaga kapag sikat ka na. Marami na ang naiinggit kaya pinupukol ka ng intriga.

2 comments:

  1. mas gusto namin si Shalani na maging First Lady ng Pilipinas kaysa sa intsik na girl friend ni Noynoy.Si Shalani ang kapatdapat sa Malacanang.Kaya Willie humabol ka ng Presidente kaya mo yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama.tama,,ang ganda ni shalani at mabait pa xa,saan pa kaya makahanap ng taong katulad nya,,,hahhahahha..wag nyung maliitin c shalanie,,,,,ok?

      Delete