Saturday, December 4, 2010

Showbiz News: Eugene Domingo, Hindi Aagawan ng Korona si Ai-ai Bilang Comedy Queen!

Kahit nakakapag-solo movie na siya at napatunayan na niya ang kanyang box-office appeal, walang kaso kay Eugene Domingo kung muli siyang sumuporta sa kanyang best friend na si Ai-Ai delas Alas sa third and last installment ng Ang Tanging Ina.


Masaya si Euegene Domingo na muli siyang nakasama sa Part 3 ng pelikulang Ang Tanging Ina. May bali-balita pa naman noon na hindi na raw siya kasama sa casting at papalitan daw siya ni Pokwang. Tuwang-tuwa si Eugene at hindi totoo ang usap-usapang iyon at ngayon nga ay kasama na siya sa Poster ng pelikula.


Kuwento nga ni Uge (palayaw ni Eugene) sa presscon ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) kahapon, December 2, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, "Noong nakita ko sa poster, nakita ko sa first poster niya, wala akong picture. Hindi ko pa deserve!

"Yung pangalawa, kita na ang mukha ko, hindi pa ang katawan.

"Yung pangatlo, buong-buo na ang katawan ko, tapos may bumubuhat pa sa akin na lalaki!" natatawang sabi niya

Dagdag pa ng comedienne, "Nakakatuwa rin na itong pangatlong pelikula, nakita natin ang pagtanda ng lahat. Ang lalaki na!

"Nakakatuwa naman na naitabi nila ang mga posters."

Sa intriga namang aagawan na umano nito ng trono si Ai-ai bilang Comedy Queen, kaagad na pinasubalian ito ni Uge.

"Ai-Ai delas Alas is my queen! That's it! Tapos na tapos na 'yan.

"Kung kailangan niya ako sa kahit na anong proyekto, at kahit na anong tulong na maibibigay ko, suporta, ibibigay ko sa isang napaka-professional at mapagbigay na artista katulad ni Ai-Ai delas Alas."

1 comment: