Thursday, December 2, 2010

Showbiz Scandal: Sharon Cuneta, Tinarayaran Ang Mga Intriga!

Sinagot ni Sharon Cuneta ang mga intrigang ibinato sa kanya na umano'y inisnub niya si Aga Muhlach at Lea Salonga na naging laman ng mga tabloids, magazines at online journals ng mga nakaraang araw. Nagbigay din ng pahayag si Mega tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng anak nito na si KC Concepcion.

On Aga's dedmahan and laglagan issue sa concert ni Ai-ai delas Alas.


Ayon kay Mega, simple lang daw ito at natural lang sa mga magkakaibigan ang magkaroon ng tampuhan.

Ang "tampo" ay kanyang naiparating sa pamamagitan ng isang "biruan" sa concert. But it was in the spirit of fun, aniya. "Laglagan yung concert ni Ai-Ai, di ho ba? Ang dami ko pa sanang gustong sabihin, na parang... tutal naglaglagan na, yung biruan..."

Noong binanggit daw ang pangalan ni Aga, na noon ay nanonood ng concert kasama ang asawang si Charlene Gonzalez, ang naging hirit ng Star Power main host ay "Sino siya?"

Ang naging interpretasyon duon ng ibang media, lalo na ang mga malalapit kay Aga, ay "binastos" ni Sharon si Aga.

Mukhang ito rin ang naging interpretasyon ni Aga.

Wala sa intensiyon ni Mega na bastusin si Aga kaya naman gusto nitong tuldukan na ang isyung iyon sa pamamagitan ng pag-sorry kay Aga.

"I'll say it again to you. I'm sorry to the audience of Ai-Ai. I'm sorry to Ai-Ai. I'm sorry to Aga if he felt insulted." Pahayag ni Mega.

On KC's issues:

"My daughter is not perfect. But, you know, she's a good kid and she works hard," sabi ni Sharon. "Later on, sabi ko, 'You know, just relax, it will take its course. And everything will be okay in the end.'"

Kampante si Sharon sa bagong management ni KC—ang Star Magic ng ABS-CBN network.

"I'm happy. She's in very good hands also," sambit ng Megastar.

"Mga disente rin naman yung mga managers niya ngayon, so I wish her rin success in her field."

No comments:

Post a Comment