Thursday, December 2, 2010

Showbiz News: Sarah G. Loveless Na, Wala Pang TV Show!

Pagkatapos ng IDOL na kaagad nawala sa ere ay naiwang nakabitin ang career ni Sarah Geronimo. Sa ngayon ay wala pang TV Show na offer sa magaling na singer. Pinag-iisipan pa ng ABS kung ano ang susunod na project na ibibigay sa singer-actress.



Naging malamya ang career ni Sarah. Kunsabagay, dahil dito ay nakapagpahinga ito ng husto. Nabigyan nito ng sapat na atensiyon ang pag-aaral. Matalinong bata itong si Sarah at dapat lamang na matapos nito ang pag-aaral at hindi stable ang trabaho sa mundo ng showbiz.

Look at KC. Tinapos nito ang pag-aaral bago pumasok sa showbiz. Isa itong de kalidad na artista na dapat sundan ang yapak ng nakararami.

 Ngayong may sapat na time na si Sarah para sa sarili, magkakaroon na rin ba ito ng boyfriend?

May advice naman si Martin Nievera hingil sa lovelife ng Pinoy Pop Superstar. “Take your time and don’t look for love, let love find you.” Words of wisdom coming from Martin, after he had a celebrated breakup with Pops.

Magkakaroon ng concert sina Martin at Sarah entitled ‘What Love Is’ at Araneta for Valentine next year. Excited na tinanggap ni Marin ang offer ng Viva Concerts.  Ayon pa kay Martin, "I’m excited to do it as it’ll be a challenge to sing with someone like her. I’ll surely prepare for it. We’re together in ASAP and her voice is really awesome."

We suggest na magconcentrate na muna sa singing si Sarah at doon siya mas magaling!

No comments:

Post a Comment