Saturday, January 7, 2012

Showbiz News: Shalani Soledad, Excited Na sa Kanyang Wedding Ngayong Jan. 22!


The lovely and demure Valenzuela City councilor, who rose to fame as PNoy's ex flame, Shalani Soledad, now Will Time Bigtime co-host, is excited for her upcoming wedding to Pasig City Representative Roman Romulo, who seemed to be head over heels in love with her, on January 22, 2012, bisperas ng Chinese New Year.

Here are the tidbits about her wedding preparations:


Ayon sa pinsan ni Shalani na si Councilor Martell Soledad, pina-feng shui pa ng soon-to-be husband and wife kung ano ang pinakasuwerteng araw ng kasal nila.

Sabi ni Martell, "Ang lumabas nga, January 22 yung pinakasuwerte daw para sa kanilang dalawa bilang couple." Ang St. Benedict's Church sa Cavite ang napili nina Shalani at Roman na venue ng wedding.

Ang motif ay green at violet, na favorite colors daw ni Roman. Ang magdidisenyo ng gown ni Shalani ay ang sikat na fashion designer na si Inno Sotto.

Nang matanong nga si Shalani tungkol sa kanyang wedding preparations, matipid naman ang kanyang naging sagot, "Actually, inaayos pa ang lahat."

Simple lang daw ang kasal.

Nailaan na raw kasi nila ang pera sa mga biktima ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.

Kasama sa mga ninong at ninang ang dating boss ni Shalani na sina Senator Ping Lacson, Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Congresswoman Cynthia Villar, at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Matatandaang nag-propose si Roman kay Shalani sa Our lady of Fatima Church sa Valenzuela.

Isang diamond ring ang ibinigay ng congressman sa lady councilor.

Heirloom daw ito galing sa ina ni Roman na si Mrs. Rosie Lovely Tecson Romulo.

No comments:

Post a Comment